Gloria Romero joins Kalyeserye as Tiya Bebeng; Alden Richards asked: "May balak ka ba na pakasalan [si Yaya Dub]?"

Ang movie queen na si Ms. Gloria Romero ang gumanap bilang si Tiya Bebeng, ang istriktang tiyahin nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!, kung saan tampok ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).



Marami ang nasorpresa at nagulat nang biglang lumitaw ang '50s movie queen na si Ms. Gloria Romero sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw, November 5.

Si Gloria ang gumanap sa papel ni Tiya Bebeng, ang istriktang tiyahin ng De Explorer sisters na sina Nidora (Wally Bayola), Tinidora (Jose Manalo), at Tidora (Paolo Ballesteros).

Ang naturang episode na ito ay may hashtag na #ALDUB16thWeeksary.

Matatandaang nitong mga nakaraang episodes ng Kalyeserye ay nakatanggap ng sulat ang magkakapatid mula kay Tiya Bebeng upang sabihin na dadating siya mula Cebu upang bisitahin sila.

Nakasaad sa sulat ang mahigpit na bilin ni Tiya Bebeng ng mga ayaw niyang makita kapag dumating siya: maikling damit, makapal na makeup, magaslaw na kilos, maingay na music, at ayaw niya ng nakikipag-usap sila sa lalaki.

Kaya naman kanina ay pinaghandaan talaga ng magkakapatid ang pagdating ni Tiya Bebeng.

Si Tidora ay light lang ang makeup ngayon; si Nidora ay hindi na bigay-todo sa pagsasayaw; at si Tinidora naman ay mahaba na ang suot na damit.

Maging si Yaya Dub (Maine Mendoza) ay naghanda rin sa pagdating ni Tiya Bebeng.

Nang dumating si Tiya Bebeng ay sinabi nitong nagtatampo siya sa magkakapatid dahil matagal na siyang hindi dinadalaw ng mga ito.

Maging noong magsagawa sila ng "Tamang Panahon" concert sa kanilang 'bungalow' ay hindi rin daw siya inimbita.

Nilaglag naman nina Tinidora at Tidora si Nidora at siyang itinurong may kasalanan ng lahat.


TIYA BEBENG MEETS ALDEN. Pagkatapos nito ay inusisa ni Tiya Bebeng si Yaya Dub tungkol sa nabalitaan niyang may nanliligaw na sa kanya.

Itinuro naman ni Yaya Dub si Lola Nidora na siya raw nagbigay ng pahintulot na maligawan na siya.

Hanggang sa dumating na si Alden, na hinarana si Yaya Dub ng "God Gave Me You" dahil sa 16th weeksary nila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkaupo ni Alden ay inusisa siya ni Tiya Bebeng; kung ano ang trabaho niya, kung may balak ba siyang pakasalan si Yaya Dub, kung kaya niya bang buhayin si Yaya Dub, at kung alam niya ang mga gawaing-bahay.

Sa umpisa ay naging matigas si Tiya Bebeng kay Alden; na sa guwapo raw nito ay tiyak na marami itong nililigawan at palikero sa babae.

Agad namang ipinagtanggol ng tatlong lola si Alden at sinabing mabuting tao ito.

Nang malaman ni Tiya Bebeng na artista si Alden sinabi niya na baka maraming nililigawan ang binata.

"Hindi po, isa lang po. Loyal po ako," sabi ng GMA-7 actor.

Ayon kay Tiya Bebeng, napakaiksi pa ng 16 weeks na panliligaw ni Alden. Noong panahon daw kasi nila ay umaabot ng hanggang 12 hanggang 15 years ang ligawan.

Hindi rin daw sila puwedeng maghawak ng kamay noon hangga't hindi pa sila kasal.

Sinabi naman ni Alden na handa siyang maghintay.

"Nangangako po akong handa akong maghintay at gagawin ko po ang lahat para maging karapat-dapat kay Yaya dahil maganda po ang hangarin ko para sa kanya."

Singit naman ni Tinidora, hindi lubusang magkakakilala ang isang lalaki hangga't hindi sila nagsasama sa iisang bubong.

Kaya inosenteng tanong ni Yaya Dub: "Dapat po ba magsama na kami?"

Agad naman siyang sinaway nina Lola Nidora at Tidora.

Hindi naman nakasagot si Yaya Dub nang tanungin ni Tiya Bebeng kung mahal ba niya si Alden.

Pagkatapos nito ay nagpaalam si Alden kay Tiya Bebeng kung puwede silang sumali ni Yaya Dub sa "Gaya-gaya Pa More" ng Eat Bulaga! sa Sabado, November 7.

Lumuhod pa si Alden sa harap ni Tiya Bebeng para pumayag lamang ito.

Nang humiling si Yaya Dub na payagan sila, tinanong siya ni Tiya Bebeng, "In love ka ba? In love ka, 'no?"

Napatungo si Yaya Dub at nagsabi, "Wala naman pong ganyanan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay lumambot na rin ang puso nito at pinayagan sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN