TFC brings Yeng Constantino to Dubai

by Julie E. Bonifacio
Jul 1, 2008
Yeng Constantino (in photo) and Christian Bautista entertained Filipinos during the 1st Filipino Expo held at the World Trade Center Dubai this June.


Hindi makapaniwala si Yeng Constantino sa kanyang naging experience noong June 20 sa 1st Filipino Expo sa World Trade Center Dubai. Dinala doon ng TFC Global Limited ng ABS-CBN si Yeng kasama si Christian Bautista para mag-show. Nag-perform si Christian noong June 19.

Ilang kabataan (karamihan ay halos mga sampung taong gulang pa lamang) ang nagpumilit na makalapit sa pop icon at hindi mapigilang umiyak nang sila ay isa-isang yakapin ni Yeng. At mas marami pang naghahagulgulang mga kabataan ang pumila sa labas ng kanyang dressing room pagkatapos ng show. Walang magawa ang security sa venue kahit na minamadali na si Yeng at kailangan na niyang tumakbo papuntang airport para lumipad pabalik ng Manila.

Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Yeng sa Dubai at hindi inaasahan ng lahat na maraming kababayan natin ang gusto siyang makita ng personal. Patunay dito ang halos sampung libong mga Pinoy na naghintay sa kanya as early as 2 pm para sa kanyang 8 pm show. Hindi rin naman nag-aksaya ng panahon ang Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer na mamasyal around Dubai at kasama si Christian Bautista, hindi sila magkamayaw sa pagsa-shopping at pagkuha ng souvenir pictures.

Continue reading below ↓

Bilang first-timer sa Dubai, maraming inikot si Yeng tulad ng 7-star hotel na Burj Al Arab, ang sikat na Jumeirah Open Beach na may white sand, ang kilalang water park na Wild Waddi, at ang Mall of the Emirates. Shopping galore ang ginawa ng batang idolo na namili ng mga damit at techy gadgets na kilalang mas nakakamurang bilin sa Dubai. Kulang ang oras para kay Yeng na kung nabigyan ng mas mahabang panahon ay tiyak na mas marami pang lugar na nais makita.

Libu-libong mga kababaihan naman ang pinakilig ng mga ballads na inawit ni Christian. Sabi nga ni Christian, "Kahit third time ko na dito sa Dubai, ang reception ng mga kababayan natin dito ay hindi nagbabago; kasing init pa rin ng weather dito ngayon."

Kinilig ang mga kababaihang fans ni Christian na kahit na galing sa mahabang araw sa trabaho ay sinadya pa ring makapanood sa kanyang show. Muli niyang pinatunayan na hindi lang siya isang gwapong singer kundi isa ring magaling na balladeer. Nang paakyatin sa stage ang isang fan at tanungin ang pangalan nito, "Rachelle Ann Go" ang binanggit ng fan na siya namang naging hudyat ng malakas na hiyawan mula sa mga manununuod.

Continue reading below ↓

Ang huli niyang awitin na siya ring pinanalo niya sa isang singing contest ilang taon na ang nakakaraan ay inialay niya sa kanyang mga fans na kasalukyang nasa Gitnang Silangan.

Isang all-acoustic show naman ang ibinigay ng Soul Siren na si Nina sa huling gabi ng 1st Fil Expo noong June 21. Katulad ng unang dalawang araw, naging matagumpay rin ang show ni Nina at walang patid ang pagsabay ng mga mga kababayan natin sa pagkanta ng mga piling awitin ni Nina.

Ang 1st Filipino Expo in Dubai, Tiangge, Bazaar, Atbp. ay organized ng The Filipino Channel ng ABS-CBN Middle East sa pangunguna ng managing director na si Egay Garcia, marketing head na si Jay Diaz at Product and events manager Maribel Hernaez.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino (in photo) and Christian Bautista entertained Filipinos during the 1st Filipino Expo held at the World Trade Center Dubai this June.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results