Is PBB 737 Big Winner Miho Nishida open to having real-life romance with Tommy Esguerra?

PBB 737 Adult Big Winner Miho Nishida got 81.96 percent of the votes, beating second placer Tommy Esguerra by a huge margin. Will they stay close outside PBB as they were as housemates? “Siguro ay hanggang dun muna yun... bilang magkaibigan nga lang po,” she answers.



Halos hindi pa rin makapaniwala at napapalundag pa sa tuwa ang katatanghal pa lang na Pinoy Big Brother (PBB) 737 Adult Big Winner na si Miho Nishida, ang 22-year-old housemate na tinaguriang “Sexy Mommy of Japan.”

May five-year-old daughter si Miho mula sa dati niyang karelasyon.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng DZMM Teleradyo Chismax host na si Ambet Nabus nitong Linggo, November 8, sa PBB 737 after-party na ginanap sa Ysabelle Restaurant sa Legazpi City, Albay.

Sinabi nitong para siyang nakalutang pa sa alapaap ng mga sandaling yun, ilang oras matapos siyang madeklarang The Big Winner dahil nakuha niya ang 81.96% ng votes.

“Sobrang saya ko po, hindi ko akalain na ako ang magiging big winner.

“Ang saya ko po, masaya po ako para sa anak ko, at para po sa kanya ito.

“Para nga po akong nasa ulap sa sobrang excitement.”


HUGE WIN. Sobrang layo ng makuha niyang boto sa 2nd Big Winner na si Tommy Esguerra, ano ang pakiramdam niya dito?

“Hindi ko akalain na makakakuha ako ng eighty-one percent.

“Gusto ko pong magpasalamat sa mga sumuporta sa akin.

“Simula sa unang araw namin hanggang sa huli, kaya gusto ko talagang magpasalamat.

“Maraming-maraming salamat talaga.”

Dagdag pa niya, “Lalo na nung una, hirap talaga akong makisama sa ibang housemates.

“Iniisip ko talaga, kung paano ko talaga nalagpasan ang mga yun.

“Kaya, siyempre, sa bandang huli, ay ini-enjoy ko na lang po ang lahat.

“Pero, sa ngayon, ang dami ko talagang natutunan, I’m so proud of you, “ sabay turo niya sa kanyang sarili.

Handa na ba siya sa mga pagbabago sa kanyang buhay matapos siyang maging top winner?

Sabi ni Miho, “Siyempre po, kinakabahan ako.

“Pero paghahandaan ko po yun, kayang-kaya ko po ‘yan, kayayanin ko po.”


JUST FRIENDS. Tungkol naman sa kanilang dalawa ni Tommy, hindi naman kaila na meron itong gusto sa kanya at handa siyang ligawan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na silang dalawa?

Nangingiting sabi ng grand winner, “Wala po, hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin po kami.

“Siguro ay hanggang dun muna yun... bilang magkaibigan nga lang po.

“Hindi pa rin kasi maalis na isip dahil nasa show pa rin kami nun.

“Siyempre, nagdadalawang-isip pa rin ako na baka para sa show lang ito, na baka hindi siya totoo.

“Hindi pa po ako nakakapag... naaano pa rin po ako sa ano [idea] na yun.”

Wala ba siyang love life pagkatapos nito?

Mabilis niyang sagot, “Wala muna po, hindi ko po iniiisip ‘yan.

“Basta ang lahat ng ito, para sa anak ko talaga.”


PRIZES. Tumanggap si Miho ng house and lot, isang milyong piso, at marami pang ibang premyo. Ano ang plano niya rito?

Aniya, “Wala pa po, hindi ko pa naiisip, iipunin ko po, mag-iipon po ako ng pera.

“Basta, sobrang saya ko at dun po kami titira ng anak ko.”

Ibig sabihin ay permanente na siyang maniniharan dito sa Pilipinas?

Ayon kay Miho, “Yun pa nga ang iniisip ko, hindi ko pa po alam.

"Gusto ko pa pong bumalik [sa Japan], unang-una ay dahil dun na kasi ako nakatira.

“Pero babalik din ako dito, at pababalikin pa po ako dito.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN