Barrio rapper Jimboy Martin is PBB 737 Teen Big Winner who wants to become an electrical engineer

Jimboy Martin says he expected the worst before he was declared the PBB 737 Teen Big Winner, “Nung i-announce, yumuko na lang ako, at sobrang saya ko.”




Abot hanggang tenga ang ngiti ni Jimboy Martin matapos itong ideklara bilang PBB 737 Teen Big Winner sa Albay Astrodome, sa Legaspi City, Albay, kagabi, November 8.

Siya ang tinaguriang “Barrio Rapper ng Nueva Vizcaya.”

Hindi nito maitago ang sobrang kaligayagan nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng DZMM Teleradyo Chismax host na si Ambet Nabus sa ginanap na PBB 737 after-party sa Ysabelle’s Restaurant sa nasabing siyudad.

Bungad ni Jimboy, “Sobrang saya po kasi umabot ako sa puntong ito.

“Nagsimula sa maliit hanggang sa lumaki po, malaking bagay po ito sa buhay ko.”

Inaasahan ba niya na siya ang magiging Teen Big Winner ng PBB 737?

Aniya, “Actually po, hindi ako nag-i-expect, ang sabi ko sa sariili ko, ‘Expect the worst.

“’Don’t expect too much, just take the positive vibes.’

“Nung i-announce, yumuko na lang ako, at sobrang saya ko.”

(Read: Bailey and Dawn are 4th Big Placers while Franco and Roger are 3rd Big Placers)

Nung sila na lang ni Ylona Garcia ang naiwan sa upuan matapos ianunsiyo na si Bailey May ang third placer at si Franco Rodriguez naman ang second, ano ang naglalaro sa kanyang isipan?

Ayon sa 18-year-old housemate, “Nag-flashback na lang lahat sa akin ang mga nangyari.

“Yung lahat ng experience ko, lahat ng napagdaanan ko sa Bahay Ni Kuya.

“Lahat yun ay nag-flashback talaga sa akin ’tapos kung ano ang mga nangyari, hindi ko na po alam.”

Magbabago na nga ang takbo ng kanyang buhay pagkatapos siyang maging big winner, ano pa ang inaasahan niya sa mga susunod na araw?

Ani Jimboy, “Hayun po, kung may opportunities na dumating sa akin, iti-take ko po yun.

“Pagbubutihin ko din po, at gagawin ko ang lahat.

“Showbiz? Dream ko rin po kasing maging artista.

“Kung bibigyan po ako [ng break], kukunin ko po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa po alam kung ano ang mangyayari sa akin next, e.

“Siguro, hintayin ko na lang po kung anuman ang dumating na blessings galing sa Itaas at iti-take ko po yun.


PLANS. Dahil nakilala siya bilang isang rapper sa loob ng Bahay ni Kuya, nakatuon din daw ang kanyang isip na maging isang professional rapper.

Saad niya, “Kapag nakapag-ipon na po ako ng maraming pera, gusto ko pong makapagpatayo ng isang studio.

“Gusto ko rin pong makapag-record ng mga kanta.”

Paano ang kanyang pag-aaral ngayong magsusunud-sunod na ang kanyang mga acitivities kaugnay ng pagiging Big Winner niya?

Sabi naman ni Jimboy, “Yung high school po, natapos ko naman yun.

“Plano ko pong mag-take ng Bachelor of Science in Electrical Engineering.

“Kung meron pa akong oras, gusto ko talagang ituloy ang pag-aaral ko.

“Tingnan po natin kung ano ang mangyayari.”

Ano ang plano niya sa mga natanggap niyang premyo?

Dalawa sa major prizes niya ay ang house and lot at isang miyong piso.

Saad ng top winner, “ Sa ngayon po, hindi ko pa alam.

“Masaya po ako, pero hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko.

“Ibibigay ko muna po kay Mama at Papa po, ganun po muna at kung nandiyan na po, saka ko na pag-iisipan.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN