Gladys Reyes feels privileged over sharing slapping scene with Nora Aunor

Gladys Reyes says she and husband Christopher Roxas are not angling for another baby: “May dalawang lalaki at isang babae na kami. Kumbaga, naka-bingo na kami kaya okay na kami.”





Malaking karangalan para sa Kapuso actress at TV host na si Gladys Reyes na makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor sa bagong GMA-7 primetime serye na Little Nanay.

Kasama sa bucket list ni Gladys ang makatrabaho sa pelikula o telebisyon ang mga malalaking artista ng kanyang kabataan.

Kabilang roon ang makasama si Nora, o Ate Guy para sa showbiz insiders.

Ani Gladys, “Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na sa isang teleserye kami ni Ate Guy magkakasama. Akala ko sa pelikula.

“Noong pareho kaming nasa Urian ni Ate Guy, sinabi sa akin ng manager niyang si Tito Boy Palma na baka magkasama na raw kami sa movie.

“Siyempre naman excited ako kasi this time ang Superstar naman ang makakatrabaho ko sa big screen.”

Noong nagsisimula pa lang raw si Gladys as a child actress, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ang una niyang nakatrabaho sa pelikulang Muling Buksan Ang Puso in 1985.

Saad ni Gladys, “Thirty years after, si Ate Guy naman. Parang ang suwerte ko naman.

“Never kong naisip aabot ako sa edad na ito na makakatrabaho ko pa ang nag-iisang Superstar.

“Tapos tinawagan ako ng GMA-7 para sa teleserye na Little Nanay.

“At doon ako nagulat na si Ate Guy ang makakasama namin.

“Kaya noong story conference, hindi ako nagpapigil at una akong nagpa-selfie kay Ate Guy!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa set ng Little Nanay sa Sta. Ana, Manila, last Thursday, November 5.


SLAP HAPPY. Sabunutan ang unang eksena ni Gladys with Nora.

“Natalo ako ni Ate Guy sa eksenang iyon, huh!” tawa pa ni Gladys.

Patuloy ni Gladys, “Feeling ko iginanti ni Ate Guy ang mga tinarayan kong mga artista sa mga teleserye!

“Bawing-bawi na sila dahil sa ginawa sa akin ni Ate Guy!

“Pero ang maganda kay Ate Guy, panay ang yakap niya sa akin at tinatanong kung okey ba ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko naman, ‘Naku po, kulang pa po yun. Sampal-sampalin n’yo pa ako!’

“Kaya very unforgettable ang eksenang iyon para sa akin.”

Unang nakaharap ng Gladys si Nora nang mag-guest ito sa Net 25 talk show na Moments noong 2012.

“Hindi ko alam kung bakit tawang-tawa si Ate Guy sa akin noong mga panahon na iyon," sabi ni Gladys.

“First time naming mag-meet talaga pero natatawa na siya sa akin.

“Noong mag-interview na kami, aliw na aliw siya sa kadaldalan ko.

“Kaya noong magkita ulit kami, natatawa pa rin siya sa akin.

“Tingin yata sa akin ni Ate Guy ay parang manika na de-susi na nagsasalita.

“Kasi tuwing mag-uusap kami, tawa lang siya nang tawa!

“Pero maganda nga dahil positive ang vibes ni Ate Guy sa teleserye namin.

“Kahit mainit sa location namin, wala kang marinig na reklamo sa kanya considering na isa siyang superstar.

“Makikita mo siyang nakikipagkuwentuhan sa mga taga-production.

“Wala siyang pinipiling taong kakausapin kaya lalo akong humanga sa kanya dahil napaka-down to earth niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN