PBB737 ex-housemates Jimboy Martin, Zeus Collins, Jameson Blake join It’s Showtime’s all-male dance group, Hashtags

Masaya ang mga ex-housemates ng Pinoy Big Brother 737 na sina Jimboy Martin, Zeus Collins, at Jameson Blake na may proyekto na sila agad ngayon pagkatapos nilang mapabilang sa bagong all-male dance group ng It’s Showtime na Hashtags. Bukod sa pagsasayaw, inamin na rin nilang gusto nilang magtuluy-tuloy na ang kanilang career sa showbiz. Ang iba pang miyembro ng grupo ay sina John Lucas, Luke Conde, McCoy de Leon, Nikko Natividad, Paulo



Napanood na simula kanina, November 11 sa It’s Showtime ng ABS-CBN ang bagong all-male dance group na Hashtags.

Kabilang sa mga miyembro nito ay sina Zeus Collins, Jameson Blake, John Lucas, Luke Conde, McCoy de Leon, Nikko Natividad, Paulo Angeles, Ronnie Alonte, Ryle Santiago, Tom Doromal, at ang Pinoy Big Brother 737 Teen Big Winner na si Jimboy Martin.

Maiksing kuwento ni Jimboy, masaya siya na may proyekto na siya kaagad matapos ang pagkapanalo niya sa PBB737.

Photo by Arniel C. Serato

Inamin din nito sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na gusto niyang mag-artista at magkaroon ng album.

Read: Jimboy Martin on winning Pinoy Big Brother 737: “Worth it po.”


Napaunlakan naman ang PEP.ph nina Zeus at Jameson ng isang panayam kahapon, November 9, bago pa man ang pormal na pagpapakilala sa kanila sa press.


ZEUS COLLINS, 21, RIZAL. Sabi ng FHM hunk na si Zeus, “Ang saya ko kasi akala ko after PBB737 parang wala na pero napasama ako sa grupong Hashtags kaya sobrang blessed at napakasaya ko.”

Ano ba ang gagawin ng kanilang grupo sa It’s Showtime? Tugon niya, “Sasayaw kami. Talagang every day kami nagpa-practice para may iba-iba kaming ipinapakita sa mga kapamilya natin.”

Nanghinayang ba siya kasi hindi siya nakaabot sa Big Four? Si Zeus ang huling na-evict sa PBB737.

Sabi niya, “Nandun yung panghihinayang. Siyempre lahat naman ng mga sumasali sa PBB gusto maging bahagi ng Big Four.

"Pero masaya pa rin ako kasi simula noong nakapasok ako sa PBB, sinabi ko na sa sarili ko na masaya ako dahil sa dami ng nag-u-audtion, isa ako sa mga natanggap kaya masaya ako.”

Tuluy-tuloy na ba ang pag-aartista niya? Aniya, “Tuluy-tuloy naman. Gusto kong umarte, gusto kong mag-acting workshop. Gusto ko rin mag-aral kumanta para hindi lang naman puro sayaw.”

Photo by Arniel C. Serato

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JAMESON BLAKE, 18, PAMPANGA.
Masaya din ang 18-year-old housemate na si Jameson na napabilang siya sa Hashtags.

Saad niya, “It feels great kasi parang its my first time joining a group. Since, I came out from PBB, my confidence is boosted up.”

Dream ba talaga niyang mag-artista? Sagot ni Jameson, “ Well, at first it wasn’t really a dream. Pero, when I saw that I had the potential on being one, I want to push through with it.

“I want to give it a shot.”

Kung mabibigyan man daw ng pagkakataon, gusto niyang ipursige ang pag-arte.

Aktibo rin ang kanyang karera sa commercial kung saan napapanood siya sa mga TVCs ng Coke, Bingo, at Jollibee.

Photo by Arniel C. Serato.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN