PEP EXCLUSIVE: Will It’s Showtime undergo reformat this December 2015?

It's Showtime is coming up with new segments such as the introduction of the all-male dance group called Hashtags.



Matapos ang pagdiriwang ng 6th anniversary ng It’s Showtime noong nakaraang buwan ay patuloy ang pagpapasaya ng mga hosts sa pamamagitan ng kanilang mga bagong segments na idadagdag sa ABS-CBN noontime show.

Isa rito ay pagkakaroon ng bagong barkadahan sa It’s Showtime, ang bagong all-male-group na #Hashtags na binubuo ng kalalakihang mayroong iba’t-ibang personalidad at kanya-kanyang angking talento sa pagsayaw.

Pangungunahan ang grupo ng Cosmo hunk na si Zeus Collins, na isa sa naging housemates sa recently concluded na Pinoy Big Brother 737.

Makakasama din sa Hashtags ang PBB 737 Teen Big Winner na si Jimboy Martin, na nakilala sa kanyang mga compositions at husay sa pag-rap. Kasama din nila sa magpapakilig at magdadala ng good vibes sa madlang people na sina Tom Doromal at Jameson Blake na parehong ex-PBB housemates, ang Star Magic Artists na sina McCoy De Leon, Paulo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago, Ronnie Alonte, at ang “Gandang Lalake” segment ng It’s Showtime na sina Nikko Natividad at Luke Conde.

(Read: PBB 737 ex-housemates Jimboy Martin, Zeus Collins, Jameson Blake join It’s Showtime’s all-male dance group, Hashtags)


Exclusive na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bagong business unit head ng It’s Showtime na si Ms. Merce Gonzales para linawin kung totoo ang bali-balita na magkakaroon ng reformat ang ABS-CBN noontime show.

Nakausap ng PEP.ph ang Showtime executive sa November 10 press conference ng #Hashtags na ginanap sa ABS-CBN compound.

Totoo ba ang napapabalitang magkakaroon ng reformat ang It’s Showtime sa December 2015?

Showtime business unit head: “Actually, wala namang reformat na magaganap, we are just coming up with new segments. Marami pa kaming lalabas na mga bagong segments. Alam naman nating yung It’s Showtime ang nagse-set ng mga bagong trends. Di ba, ang dami namang napasikat na segments ng It’s Showtime. Mas marami pa kami niyan at yun ang aabangan nila at hindi yung reformat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din natin si Ms. Gonzales kung ano na ang plano nila kay Angelica Jane Yap, aka Miss Pastillas. Nagkaroon siya ng Nasaan Ka Mr. Pastillas segment at napili si Richard Parajinog bilang Mr. Pastillas.

Tapos na ba ang segment ni Miss Pastillas sa It’s Showtime or may nakaplano pa bang segment para sa kanya?

Showtime business unit head: “On going pa rin si Miss Pastillas sa online ng It’s Showtime. We are in the process of planning kung ano pa ang pwedeng mangyari kay Miss Pastillas.”

Ano ang ginagawa ng It’s Showtime para matapatan ang ratings ng rival noontime show?

Showtime business unit head: “Basta we come up with new segments, hindi naman kami humihinto dun. Hindi kami humihinto sa pagpapasaya ng tao. Yung ‘Good Vibes,’ na segment namin is doing good. Yun lang naman ang intention ng program, para i-entertain, to give good vibes sa madlang people.”

Paano niyo po sinusuportahan si Vice Ganda sa mga pampapa-bash sa kanya tungkol daw sa pagsasalita against sa rival noontime show?

Showtime business unit head: “Siyempre nalulungkot kami, hindi lang para kay Vice. Binibigay namin yung full support namin sa lahat ng hosts. Binibigyan namin sila ng full-support. Malaking bagay yung kamustahan, kasi kailangan yung bonding ng grupo para maramdaman nila hindi lang nila laban kundi laban ng buong team ng It’s Showtime.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN