Kevin Sagra eliminated from StarStruck 6

Kevin Sagra is the 5th artista hopeful eliminated from StarStruck VI.



Nagpaalam na sa StarStruck VI ang pambato ng South Cotabato na si Kevin Sagra matapos nitong ma-eliminate sa artista search ngayong araw, November 13.

Si Kevin ang ika-limang StarStruck Avenger ngayong season.

Sa panayam ng GMA kay Kevin matapos ang live eliminations, nagpasalamat ito sa lahat ng sumuporta at nakasama niya sa kompetisyon.

Sabi ni Kevin, “Gusto ko lang magpasalamat sa lahat, sa aking StarStruck family. Sa lahat ng hopefuls, guys galingan niyo pa. Thanks for everything, mami-miss ko kayong lahat. Mahal na mahal ko kayo.”

StarStruck says 'Thank You' to @kevinsagra16! #StarStruckLiveEliminations

A photo posted by @starstruckgma onNov 13, 2015 at 3:36am PST


Automatic naman na nakasama ni Kevin sa bottom group sina Migo Adecer and Liezel Lopez matapos makakuha ng tig-2 votes each mula sa mga natitira pang Survivors. Kasama rin sa bottom group si Jay Arcilla at Ayra San Agustin ngunit matapos ang elimination, patuloy pa rin ang apat sa kanilang StarStruck journey.

Pasok din sa Top 9 sina Avery Paraiso, Elison De Dios, Arra San Agustin, Annalyn Barro, at Klea Pineda. Last week, si James Teng ang natanggal sa grupo.


CHALLENGE FOR THE WEEK. Para sa kanilang weekly challenge, sumabak sa kissing scenes ang Top 10 finalists. Ang Kapuso actress na si Kylie Padilla ang naka-eksena ng mga boys sa kiss flicks habang si Aljur Abrenica naman ang naka-eksena ng girls.

Bago ang tanggalan, tinanong muna ng StarStruck hosts na sina Megan Young at Dingdong Dante sa mga judges na kinabibilangan nina Jennylyn Mercado, Joey de Leon, at Regine Velasquez ng experiences pagdating sa kissing scenes.

Kinilig ang lahat ng sinabi ni Jennylyn kay Dennis Trillo siya pinakakinilig na magkaroon ng ganitong eksena. Sabi ni Jen, “Siguro kay Papa [Dennis Trillo]…”

Dagdag pa niya, “O mamayang gabi, huling gabi ng My Faithful Husband kaya ‘wag niyo kakalimutan!”

Binalikan naman ni Joey ang pelikulang Long Ranger and Tonton: Shooting Stars of the West kung saan nakasama niya si Rene Requiestas at Maricel Laxa. Si Maricel ang gumanap na leading lady ni Joey sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Joey, “Ang eksena, ako cowboy at may pinopormahan akong Indian maiden. Ang pangalan niya, kundi ako nagkakamali, White Flower or Green Cross, e.

“Kunyare [na lang] White Flower, panay ang porma ko sabi ko, ‘Alam mo kailangan mahalikan kita White Flower…’

“Ang dami kong sinasabing ganyan, biglang ang ginawa nung Indian maiden hinila ako, e, ang haba ng buhok ko.

“Ako ang dinip [sabay sabi], ‘Ang dami mong daldal Long Ranger!’ Ayun ang eksena, nakakatawa! Puro comedy lang naman yung kissing scenes namin, e.”

Inamin naman ni Regine pinaghandaan niyang maigi ang kanyang unang kissing scene upang hindi mapulaan na hindi siya marunong humalik.

Sabi ni Regine, “It was weird, I was very nervous pero alam ko naman na it was just my work, it was part of my work.

“Plus, I wasn’t naman 18 when I did my first onscreen kiss at ayoko siyempre din na mapulaan na hindi ako marunong humalik.

“So medyo nanood ako ng maraming kissing scene, inaral ko para mukhang marunong talaga ako humalik so, laban!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN