Dennis Trillo pleasantly surprised by mock award from My Faithful Husband production team

Dennis Trillo was pleasantly delighted when the production team of the recently-concluded GMA-7 teleserye My Faithful Husband awarded him a certificate for "perfect attendance" and "pinakamaayos na buhok." He proudly posted a photo of the mock award on his Instagram account.



Natapos na noong Biyernes, November 13, ang Kapuso primetime teleserye na My Faithful Husband na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Bago mag-last taping day, pinarangalan ng production team ng My Faithful Husband ang iba’t ibang tauhan ng teleserye bilang pasasalamat sa pagsasama nila sa tinakbong season ng show.

Kabilang dito si Dennis, na pinuri nila para sa kanyang perfect attendance at para na rin sa kanyang “maayos na buhok.”

Never daw kasing nag-absent ang aktor sa buong 46 days of taping nila.

Ipinakita ni Dennis sa Instagram account niya kung gaano siya ka-proud sa certificate na binigay sa kanya.

Ito ang nakasaad sa certificate:

"This certificate is awarded to Mr. Dennis Trillo in recognition of your dedication to perfectly attend 46 days of taping and your patience to share three days of your week with the whole production staff and crew. Wow! “PERFECT ATTENDANCE.” And for having “PINAKAMAAYOS NA BUHOK” on the set.”

Pinirmahan ang certificate ng associate producer ng teleserye na si Elvie Sicangco, pati na ng executive producer na si Rebya Upalda; at ang director nilang si Bb. Joyce Bernal.





TIME TO TAKE A BREAK. Sinabi noon ni Dennis na magbabakasyon muna siya pagkatapos ng My Faithful Husband.

Sa lahat nga raw ng mga ginawa niyang teleserye, itong My Faithful Husband ang pinakamabigat.

Pawang matitindi daw ang episodes niya with Jennylyn at ni Snooky Serna, na gumanap na ina ng aktor.

Next year na raw ulit magsisimula ng bagong teleserye si Dennis.

Gusto raw niya sana ay isang romantic-comedy na teleserye para hindi siya masyadong nasasagad sa pagdadrama sa telebisyon.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN