"Lobo" airs finale episodes this week


ABS-CBN's TV series Lobo, starring Angel Locsin and Piolo Pascual, will end this Friday, July 11.



Ilang gabi na lang at mapapanood na ang pagtatapos ng Lobo,na siyang tumagal ng anim na buwan sa ABS-CBN Primetime Bida. Ang teleserye naito na pinagbibidahan nina Noah at Lyka (Piolo Pascual at Angel Locsin) aykuwento na puno ng sakripisyo at mga pagsubok na kailangan nilang lampasanhindi lang para sa kanilang pag-ibig kung hindi pa na rin sa kapayapaan sa mgatao at sa mga taong lobo.

Kung ang inaakala ng manonood ay si General Silva (Spanky Manikan) angpinakamapanganib na kalaban ng mga puting lobo ay nagkakamali sila dahil siAnton (Ryan Eigenmann) pala ang pinakamalaking at kinakatakutang katunggali ngmga bida sa huling bahagi ng Lobo. Bilang kinakapatid ni Lyka, ang datingtahimik at walang ka-ere-ereng scientist ay nagbago upang maging isang kalabanna may masamang plano para sa lahat ng tao.

Noong nakaraang linggo, ipinakitang nasunog nang husto siNoah nang pumunta siya sa kweba ni Remus (Geoff Eigenmann). Sa pamamagitan ngmga visions, ipinakita ni Remus ang mga posibleng magagandangpangyayari kung ipaubaya ni Noah si Lyka kay Alec (na ginagampanan rin niGeoff). Nalaman ni Noah na kung magkatuluyan sila ng kapwa niyang sundalo na si Gabby (ShainaMagdayao), ito ay magdudulot ng kapayapaan sa buong katauhan.

Dahil sa sobrang pagmamahal ni Noah kay Lyka at ayaw nitongmawala sa kanya ang minamahal ay nagising ito para harangin ang pagiginghabang-buhay na pagiging lobo ng kanyang kabiyak. Hinarap uli nito si Remus at muling nakipagtuos siya dito.

Sa huling hamon na isinagawa ni Remus kay Noah ay pinadaminito ang mga lobo na magkakatulad ang anyo at isa na dito si Lyka. Sa puntong ito ay mahirap para sa isangmortal na tao na katulad ni Noah ang makilala sa mga lipon ng mga lobo angkanyang minamahal na babae. Angtanging magagawa nito ay pumayag na maging lobo para matunton kungsino sa mga hayop na ito ang kanyang minamahal na si Lyka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit alam ni Noah na mahirap ang maging lobo dahil malibansa tinutugis sila ng mga tao ay napakalaking sakripisyo ang nagagap tuwingnagta-transform sila mula tao sa pagiging lobo at balik-tao. Karagdagan pa dito, tuwing ika-500 yearskung kailan nagiging pula ang buwan ay kailangan uli ang isang bantay parahadlangan ang pagkalipon ng mga lobo.

Sinunod ni Noah ang tibok ng kanyang puso at pinili niyangmaging lobo. Sa puntong 'yon aynanumbalik ang istorya ng mga lobo at napag-alaman na sina Noah at Lyka ayparehong nanggaling sa ninuno ng mga lobo. Naulit lamang nila ang pangyayari dahil ang isa sa kanilangkanuno-nunuan ay nakapag-asawa ng mortal na tao at bilang parusa ay ginawasilang lobo. Ito ang pinakarason kungbakit kahit ilang beses na nakagat siNoah ng lobo ay hindi siya naging lobo.

Nagbunga ang pagmamahalan ng kanilang mga ninuno ng isangkambal pero nagkahiwalay rin ang mga ito. Ang ninuno ni Lyka ay napunta sa mabuting lobo, ang mga Luna, at samasamang lobo naman napunta ang kanuno-nunuan ni Noah, ang mga Waya.

Dahil sa pagpili na magsakripisyo ni Noah, natapos na angsumpa na sagabal sa pag-iibigan niya at ni Lyka. Subalit, kailangan nilangpigilan ang plano ni Anton na gawing lobo ang lahat ng tao sa pamamagitan ngkanyang na-develop na poisonous gas.


Magagawa kaya nilang pigilan ang masamangplano ni Anton? Ano ang mangyayari sa pag-iibigan nina Lyka at Noah?

Abangan sa natitirang kabanata ng Lobo na mapapanoodgabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida hanggang Biyernes, July 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN