"Us Girls" adds new segment targeted to male viewers


Us Girls hosts(from left) Cheska Garcia, Angel Aquino, and Iya Villania attended the grandeyeball for loyal viewers of their show. It was held at SM North The BlocklastSaturday, July 5.



Matagumpay na ginanap ang grand eyeball ng palabas na UsGirls na napapanood sa Studio 23, sa pamamagitan ng isang mall show sa SMBlock noong Sabado, July 5. Gusto nilangipaalam na mapapanood na ito tuwing Linggo ng alas otso ng gabi imbis na 9:30pm. Ito ang dating life style TV showna F na pinalitan ng titulong Us Girls. Ang mga hosts ng naturangshow ay sina Iya Villania, Angel Aquino, at Cheska Garcia.

Ayon sa isang taga-production ay nagkaroon sila ng kanilangikalawang taong pagdiriwang noong March sa pamamagitan ng isang fashion show naginanap sa Trinoma Mall.

Magkakaroon ng konting pagbabago sa nasabing programa dahilmagkakaroon na sila ng segment para sa mga kalalakihan. Meaning, hindi na ito 'yong datingpang-exclusive lifestyle show para sa mga kababaihan kundi pag-uusapan na rindito ang mga bagong uso sa mga kalalakihan.

PEP (Philippine Entertainment Portal) had a chance to askAngel some questions at ito ay tungkol sa kanyang boyfriend who is much youngerthan she is. "Hindi ko naman silahinahanap, kasi for some reasons, nakakatawa sila. 'Yong energy nila lalo na si Lui [Villaruz, her boyfriend]. He'svery cute. He brings me to many kindsof feeling, e, na parang he makes you feel alive," masayang pahayag niAngel. Hanggang ngayon daw ay wala pa silang planong magpakasal.

Mapapanood sa darating na fourth Cinemalaya Film Fest angshort film ni Angel na may titulong God Only Knows. "It's a shortfilm about poverty, about a relationship between a mother and her son kasiipapaampon niya ito. Medyo dark ngkonti." Magsisimula bukas, July 11, ang naturang film fest na gaganapin saCultural Center of the Philippines.

Sa pakikipag-usap namin kay Cheska ay kinumusta namin sakanya ang kapatid nitong si Patrick Garcia. "Okey naman siya, everything is normal. He will be back for my wedding on October."

So totoong nasa ibang bansa siya at hindi nagtatago dito saatin?

"Bakit naman magtatago si Pat, ang labo-labo naman ng mgatsismis na 'yan as in, promise. Bakitsiya kailangan magtago, kriminal ba siya, may pinatay ba siya, may ninakawan basiya? Hindi ko maintindihan angsinasabi nilang nagtatago si Patrick. Bakit kailangan niyang magtago?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Regarding sa magiging hunsband nitong si Doug Kramer ay apatna taon at walong buwan na silang magkarelasyon. Inamin ni Cheska na they areof right age, emotionally, physically and financially stable to be husband andwife.

Katatapos lang nitong nag-tape ang kanyang maiksing papel saGMA-7 show na Ako si Kim Samsoon at ngayon naman ay bigla siyangipinasok sa ABS-CBN show na Iisa Pa Lamang bilang lawyer-girlfriend niGabby Concepcion.

Nakausap din namin si Iya at ayon sa kanya, graduate na siyang De La Salle University at nasa Dean's List pa siya nang magtapos ng kursongAB Psychology. Inamin din nito na goingvery strong pa rin ang kanilang relasyon ni Drew Arellano hanggang sa ngayonpero hindi pa rin nila pinag-uusapan ang pagpapakasal.

Inamin ng tatlong magagandang hosts na sobrang enjoy sila sakanilang TV program na Us Girls at wish nila na magtatagal pa itong ngmaraming mga taon dahil marami silang natutunan sa kanilang programa.


Mapapanood ang Us Girls tuwing Linggo sa Studio 23 ng 8:00 pm.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN