"PBB Teen Edition Plus" housemates join "My Girl"


Pinoy Big Brother Teen Edition Plus housemates (from left) Robi Domingo,Nicole Uysiuseng, and Josef Elizalde are the new additions to the cast of thedrama-comedy TV series My Girl. They will also be joined by PBB Celebrity Edition Season 1 Big Winner Keanna Reeves (not in photo).



Karagdagan sa cast ng My Girl ang mga former PinoyBig Brother teen housemates Nicole Uysiuseng, Robi Domingo, at JosefElizalde na napapanood sa ABS-CBN Primetime Bida. Ang mga karakter na kanilang gagampanan sa My Girl aytulad din ng kanilang mga personalidad sa likod ng kamera.

Si Nicole ang gaganap na Hannah, ang nawawalang apo ni LoloGreg (Ronaldo Valdez) at ang rason ng pagkakakilala nina Jasmine (Kim Chiu) atJulian (Gerald Anderson). Si Robi ay siVincent, ang pinsan ni Samboy na gagampanan naman ni Josef. Magkaibang-magkaiba ang dalawang binata. Si Vincent ay mula sa magandang pamilya,matalino at edulado. Ngunit tulad niSamboy, malaki ang kanyang admiration para kay Hannah.

Si Samboy naman ay isang mekaniko sa talyer na lagingnaaaksidente at palpak ang mga diskarte. Dahil dito, ayaw sa kanya ng adopted aunt ni Hannah na si Tita Nena(Keanna Reeves) at mas gusto si Vincent dahil good boy ito.

And speaking of Keanna, pasok din ito bilang Tita Nena niHannah. Kinuha ang Big Winner ng PBBCelebrity Edition Season 1 upang magpatawa sa mga manonood.

Sa ginanap na pocket presscon sa Proud Mary Resto noongWednesday night ay sabay-sabay nagsidatingan ang apat-sina Nicole, Robi, Josef,at Keanna. Habang ipinapalabas angtrailer ng My Girl na ang mga eksena nila ang ipinapakita ay halatang dimapakali si Robi at kahit tapos na ang trailer ay napapalingon pa rin ito sapag-aakalang ipapakita muli ang trailer.

"Excited po kasi ako. First time kong mag-act. Nakakatawa ang sitsura ko, very awkward tingnan," paliwanag ni Robi.

Anong nararamdaman no na mas nauna kang nabigyan ng projectkaysa sa PBBTE Big Winner na si Ejay Falcon? "Mayroon din naman siyanggagawin. Siguradong in-the-making paito. Siyempre, siya ang big winnernamin, siguro, pinaghandaan ito ng malaki. Nataon lang na may available role na babagay sa amin sa My Girl kayapasok agad kami," ayon sa True Blue Atenista of Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayJosef kung ipaglalaban nito ang kanyang pagmamahal kay Nicole kahit maramingayaw sa kanya para sa dalaga.

"Wala pa naman kaming relasyon at hindi ko pa siyanililigawan. Masaya na kami atmagkaibigan kami. Masaya na kami ngganito kaya hayaan na ninyong ganito muna kami. Trabaho muna kami at pag-aaral ang aasikasuhin namin,"pahayag ng binata na tinaguriang Lethal La Sallite of Mandaluyong.

And lastly kay Nicole, malaking threat daw ito kay Kim Chiu,kaya maraming fans nito ang ayaw sa IN-Chick of Cebu.

"Hindi naman po ako threat kay Kim. Hindi naman ako nakikipagkumpentisya sakanya. I cannot say no sa project dahiltalent lang po ako at sumusunod lang po ako sa instruction. Nagkausap na kamini Kim at mabait siya sa akin. Okaykami, pareho kaming Bisaya. Sana hindi kami intrigahin."

Ano kaya ang pagbabagong magaganap dahil sa kanilang lovetriangle and how will Jasmine and Julian's relationship turn out ngayongpumasok na sa eksena ang totoong Hannah?

Kilalanin ang mga bagong karakter sa pagpasok nila sa MyGirl mula sa direksyon nina Erick Salud at Jerome Pobocan. Mapapanood ang MyGirl mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN