Allen Dizon dismisses allegations that Julia Montes is "maldita"

Indie actor Allen Dizon on Doble Kara co-star Julia Montes: “Si Julia, napakabait at saka napaka-professional. At saka alam ko ang respeto niya sa mga actors katulad ko na… siyempre ahead kami sa kanya.”



Walang humpay ang paggawa ni Allen Dizon ng indie films.

Kabilang sa mga natapos na niyang i-shoot ay ang Walang Katapusang EDSA na idinirehe ni Alvin Yapan.

“Target na maipalabas ito sa next year sa anniversary ng EDSA People’s Power,” bungad na pahayag ni Allen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Tatlo ang story nito… 'Taxi Driver,' 'MRT,' at saka 'Pedestrian.'

“Ako ang bida doon sa 'Taxi Driver.'”

Natapos na rin ni Allen ang Iadya Mo Kami, kung saan ang role niya ay isang pari.

“Napaka-tame ko sa pelikulang ito. Napakabait na pari ang character ko.”


TIMELY MOVIE. Katatapos din ni Allen gawin ang Sekyu, ang pelikulang dinirek ni Joel Lamangan at sinulat ni Ricky Lee.

Co-stars ni Allen sina Sunshine Dizon, Melai Cantiveros, Kristoffer King, Rez Cortez, Racquel Villavicencio, Kiko Matos, at ang child stars na sina Jenica Mae Amores at Solomon Mark de Guzman.

Excited si Allen dahil official entry ito sa nalalapit na 21st Kolkuta International Film Festival sa India at nasa main competition ito sa 14th Dhaka International Film Festival sa Bangladesh.

Pagmamalaki niya, “Ang masasabi ko dito sa pelikulang Sekyu, ito yung napapanahon, e.

“Kasi yung mga sekyu [security guards], hindi sila napapag-usapan ng mga tao at parang hindi sila napapansin na ang hirap ng buhay nila.

“At yung pinaka-mahirap doon, yung parang ang ayos-ayos ng buhay mo na gusto mo ng simpleng buhay. Pero may mga hindi talaga nangyayari.

“May malas. May suwerte na… siguro ganoon lang talaga ang buhay.

“Mabait na sekyu ang role ko sa pelikulang ito. At saka honest ako.

“Ang gusto ko lang ay mabigyan ng simple pero maayos na buhay ang pamilya ko. Kaya lang, may mga pangyayari na hindi natin masasabi.”


ALL PRAISE FOR JULIA. Nagtataka si Allen kung bakit kahit pinabulaanan niya ang mga sabi-sabi, tuloy pa rin ang isyung nagmamaldita daw si Julia Montes sa set ng Doble Kara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginagampanan ni Julia ang role na anak ni Allen sa nasabing ABS-CBN teleserye.

Ayon kay Allen, “Si Julia, napakabait at saka napaka-professional.

“At saka alam ko ang respeto niya sa mga actors katulad ko na… siyempre ahead kami sa kanya.

“Napakabait na bata ni Julia. Hindi naman siya… kasi lahat kami sa set, para kaming isang pamilya na nagluluto at nagdadala ng pagkain para magkakasamang kumain, yung ganun.

“Masaya. Masaya kami lahat sa set.

“Si Julia, para siyang bata kapag nasa set. Lahat ng pagkain kinakain niya at gustong tikman lahat.”


HECTIC TAPING SCHEDULE. First time makatrabaho ni Allen si Carmina Villarroel, na gumaganap bilang asawa niya sa Doble Kara.

Kuwento ni Allen, “Nung mga first day, second day… medyo naiilang pa ako sa kanya. Sabi naman niya, 'Huwag kang maiilang sa akin.'

“So nag-usap muna kami bago yung eksena. Tapos yung eksena, drama na umiyak siya at niyakap ako.

“Pagkatapos nung mga sumunod na taping days, okey na. Hindi na ako naiilang.

“Nakakapagod ang teleserye. Kung minsan, umaga na napa-pack up.

“Siguro after nito, pahinga muna ako.

“Sobrang nakaka-stress. Tapos nakaka-drain.

“Wala na akong time sa sarili ko. Wala na akong time sa family ko dahil five times a week kaming nagti-taping.

“Minsan nag-aanim na araw pa kami. Naghahabol kasi. Hand to mouth kami.

“Kung minsan nasa set kami, hindi pa kami makapag-take kasi wala pang script. So ii-email yung script, ipi-print, tapos doon pa lang kami magti-taping.”

Sa kabila ng kanyang hectic taping schedules, hindi pa rin nawawalan ng indie films si Allen.

Kaya Lagare King ang tawag sa kanya ngayon.

“Sanay naman tayo sa lagare!” natawang reaksiyon ni Allen.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN