Ken Chan says his GF finds him "prettier" than her: “Tanggap na niya talaga na mas maganda ako sa kanya.”

Ken Chan reveals that his GF teases him about how "pretty" he looks when he's in character as Destiny Rose: “Minsan galing ako taping, naka-makeup pa rin ako, minsan nandun siya sa bahay. Sabi niya mas maganda daw ako, e. Sobrang proud siya sa akin.”



Unti-unti na raw na nakakasanayan ni Ken Chan ang ayos niya bilang isang transgender woman sa GMA-7 teleserye na Destiny Rose.

Halos araw-araw sa taping ay nakaganun na raw siya mula umaga hanggang pag-pack up nila kinabukasan.

“Halos everyday ko na po ito ginagawa, e.

“Ganito na ang ayos ko from 6:00 a.m. hanggang kinabukasan ng 3:00 a.m. Nakaganito ako,” sabi pa ni Ken nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa guesting niya sa CelebriTV.

Inaabot daw nang mahigit dalawang oras ang pag-ayos sa make-up, pati na rin sa outfit at iba pang mga inaayos sa katawan niya.

“Ang pinakamahirap sa akin, yung physical changes nung nag-Joey ako and nag-tranform kay Destiny Rose.

“Yun ang mahirap po talaga. Sobrang nag-adjust ako.

“Yung heels, yung mga balakang, ang beywang—everything.

“Yung make-up, pati yung nakalagay sa buhok ko. Masakit siya, pero masasanay ka rin.

“Nakasanayan ko na siya ngayon na parang wala na nga minsan, e. Feeling ko, natural na lang na ginagawa ko,” kuwento pa niya.

SURE ABOUT HIS SEXUALITY. Pero nilinaw naman ni Ken na may mga nabago man daw sa kanyang pisikal na anyo, natitiyak naman niyang walang nabago sa kanyang pagkatao dahil sure pa rin daw siyang straight siya at hindi ito naiumpluwensyahan ng pagkatao ng dual characters niya bilang Joey o Destiny Rose.

“Sa kilos ko po na normal ganun pa rin naman.

“Pero may mga times na sa sobrang pag-internalize ko, minsan kahit na nasa bahay ako, minsan nagugulat ako na, bakit ako parang pumitik ng konti?

“Siyempre, dahil sa everyday ko ginagawa, naaano ko rin siya na parang nagagawa ko pa rin siya.

“Pero secure naman po ako sa gender ko,” diin niya.

Kahit ilang beses na raw siyang natatanong na baka bumigay na rin siya pagdating ng araw, sigurado pa rin naman daw siyang ganap na lalaki pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala lang si Ken na lahat daw na lalaki ay meron pa ring feminine side.

“Lahat tayo na lalaki meron pa ring feminine side. Kahit ang babae din ganun.

“Kahit gaano pa ‘yan kakikay o kaano, may masculine pa rin side ‘yan,” pahayag nito.

PROUD GF. Hindi naman daw naapektuhan ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz girlfriend, bagkus tuwang-tuwa pa nga raw ito sa kanya at proud daw sa magandang performance niya sa Destiny Rose.

“Minsan galing ako taping, naka-makeup pa rin ako, minsan nandun siya sa bahay.

“Sabi niya mas maganda daw ako, e. Tanggap na niya talaga na mas maganda ako sa kanya. Sobrang proud siya sa akin, ” natatawa niyang pahayag.

Nagpapasalamat di si Ken sa kanyang pamilya na laging nakasuporta raw sa kanya at gumagabay sa lahat na ginagawa niya.

FUTURE PROJECTS. Inaasahan ni Ken na pagkatapos ng Destiny Rose, malamang na mabibigyan siya uli ng ganung klaseng role. Pero ang pagkakaalam daw niya, meron naman magandang plano ang GMA-7 sa kanyang career.

“May plan naman din po ang GMA para sa akin after Destiny Rose. Nakausap naman po nila ako, na may gagawin ako na iba kay Destiny Rose

“Dito na rin mapapatunayan ang pagiging aktor ko po,” pahayag ng 22-year-old Kapuso star.

Pero kung sakaling mabibigyan daw siya ng choice kung anong klaseng transwoman o gay role na ibibigay sa kanya, ano kaya ang gusto pa niyang gampanan?

“Type ko po as Perena o Amihan pala,” pabiro niyang sagot.

Pero kung sakaling papiliin daw siya, parang type daw niyang gawin ang role na Amihan sa remake ng Encantadia.

Ito yung Amihan na role na dating ginampanan ni Iza Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN