Carlo Gonzalez not bothered by allegations of "special treatment" because he's Dingdong Dantes's cousin

Carlo Gonzalez shrugs off allegations that he's getting special treatment from GMA-7 because he's Dingdong Dantes's cousin: “Parang hindi siya masyadong pumapasok sa utak ko. It’s not up to them din naman, it’s up to the bosses.”



Malaki ang pasasalamat ni Carlo Gonzalez sa GMA Network dahil simula noong pinasok niya ang pag-aartista, nararamdaman niya na hindi siya pinapabayaan at nabibigyan siya ng magagandang karakter.

“Dati pa naman, I’ve always been grateful to GMA.

“Sila Ms. Lilybeth [Rasonable], seeing that thing in me. Kahit papaano, hindi ako nababakante at saka, nagiging progressing yung role, nagiging makakatuturan.

“I think, I’m doing something good, I’m doing something right,” pahayag niya.

Aware si Carlo na maaaring iniisip ng iba na naging madali ang pagpasok niya sa showbiz dahil sa koneksiyon niya sa pinsan niyang si Dingdong Dantes.

Minsan, nasasabihan pa nga siyang “package deal” daw sila ni Dingdong.

Ganunpaman, masaya si Carlo na marami na rin siyang nagiging proyekto na siya lang talaga, tulad ng bagong Kapuso teleserye na Because of You, na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Carla Abellana.

Ayon kay Carlo, “Never naman akong na-bother sa thought na yun. Actually, gusto ko nga siyang kasama kapag nagtatrabaho dahil sobrang dali.

“Parang naglalaro lang kami noong mga bata kami, role playing.

“Parang hindi siya masyadong pumapasok sa utak ko. It’s not up to them din naman, it’s up to the bosses.

“Kung ilalagay nila ko sa isang role at sa tingin ko naman, essential naman sa story, sa tingin ko naman, I’m doing something right.”

Ano ang gusto niyang makita sa career niya?

Ani Carlo, “Yun lang, continuous work as an artist at kung ano ang nabibigay ko.

“Good projects, good roles. Hindi naman ako pipili.

“Kung maayos at maganda ang maibibigay ko at may katuturan na maibabahagi ako sa istorya na gusto nilang ma-achieve at may maiko-contribute ako sa kanila, then yun siguro ang pinaka-purpose ko for my career.

“Kung bubwenasin, I mean, limelight naman, follow-up lang ‘yan on what I want to achieve,” pahabol pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May businesses din si Carlo. Isa na rito ang wellness clinic niya sa Alabang.

“Actually, I am more of, nag-iinvest. Ako siguro yung main investor ng iba. Pero mga trusted ko na rin yung mga partners ko kaya I can do this career [showbiz] full-time.”


BECAUSE OF YOU. Mahirap at may pagka-bad boy na karakter ang ginampanan ni Carlo pinakahuli niyang primetime series, ang Pari ‘Koy.

Ngayon, bad boy pa rin ang role ni Carlo sa Because of You. Gaganap siya bilang mayamang kabit ng karakter ni Valerie Concepcion.

“Sabi ko nga, opposite talaga at pagkatapos, kabit ni Veronica—si Valerie nga na asawa ni Sir Gabby [Concepcion].

“Along the marriage, parang hindi siya masaya sa asawa niya. Doon ako pumasok,” lahad ni Carlo.

Itinuturing ni Carlo na isa sa pinakamagandang karakter na nagawa niya ang sa Pari ‘Koy at talagang na-challenge raw siya run.

Sa Because of You, saan naman kaya niya nakikita ang challenge sa karakter niya?

“Siguro yung pinaka-challenge for me is kung saan ko hahanapin yung pagiging conniving character.

“Kasi mostly, yung vibe ko, parang happy-go-lucky lang, pa-easy-easy lang, walang pakialam.

“Basta ako, infatuated lang ako kay Veronica at mahal ko siya sa story. As long as napu-fulfill ko yung need ko na yun, okay ako,” saad ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN