Jolina Magdangal and Marvin Agustin reunite in "Dear Friend"


"Nakakatuwa kasi nga it's been a long time na hindi kami nagkasama sa isangTV show, although minsan nagkikita kami sa SOP kapag may mga promo. Pero thistime, magkatabi na naman kami at magkatrabaho na talaga," says Marvin Agustin about working again with Jolina Magdangal.



Napuntahan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang first taping day ng bagong show ninaJolina Magdangal at Marvin Agustin sa GMA-7 na may titulong Dear Friend.Magsisimula na ito sa July 20 bilang kapalit sa afternoon timeslot na iiwanng Tasya Fantasya ni Yasmien Kurdi.

Sa isang Italianrestaurant sa The Fort kinunan ang mga eksena nina Jolina at Marvin. Parehongexcited ang dalawa sa muli nilang pagsasama sa isang TV show. Huli silangnapanood na magkasama sa primetime series na I Luv New York at ang month-longhorror-comedy series na Hoo U?

Kauuwi lang niMarvin mula sa U.S., kung saan nakasama niya si Katrina Halili na nag-show doonat nag-promote ng GMA Pinoy TV. Pagdating ni Marvin ay dumiretso siya sa tapingnila ni Jolina.

"Kita n'yo namankahit na may jetlag pa ako at nagnu-nosebleed, nandito ako sa first taping daynamin ni Jolens. Ganyan ako ka-excited talaga," ngiti ni Marvin.

Patuloy niya,"Nakakatuwa kasi nga it's been a long time na hindi kami nagkasama sa isangTV show, although minsan nagkikita kami sa SOP kapag may mga promo. Pero thistime, magkatabi na naman kami at magkatrabaho na talaga. Hindi nga ba't nanditona siya sa GMA, sinundan ko pa rin siya. Hindi talaga kami pinaghihiwalay ngtadhana."

Hindi naman dawnagdalawang-isip si Jolina na muling makatambal si Marvin sa isang TV show.Wala raw problema at mabuti na rin yung matagal silang hindi nagkasama agadafter ng dalawang shows.

"Noong sinabi nga saakin itong Dear Friend at si Marvin ang makakasama ko, okey sa akin angproject," ani Jolina. "Yung concept kasi niya, hindi mabigat at tama lang saedad naming dalawa ni Marvin. In the past naman, yung mga nagiging shows naminni Marvin, hindi rin mabibigat. It's always yung maraming makaka-relate na mgakabataan sa amin. Kaya itong Dear Friend, marami ulit mga young people, andeven mga mas older pa, ang makaka-relate sa aming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LETTER SENDERS. Ang concept ng DearFriend ay parang "He Said, She Said." May mga letter sender na may sarilingkuwento sa buhay at magkakaroon ng dramatization. Sina Jolina at Marvin angmagsisilbing tagabigay ng advice sa letter sender.

Ayon kay Marvin, "Maymga nagtatanong na nga kung ano ba ang credibility namin ni Jolens na magbigayng advice. Tama ba na kami ang padalhan nila ng mga problema nila sa buhay? Siguronaman dahil sa mga pinagdaanan namin ni Jolens na mga problema sa buhay,masasabi namin na puno na kami ng iba't ibang klaseng experiences atnapagdaanan na namin ang ilang problema ng kabataan ngayon.

"Sariling advicenamin ‘yon na sa tingin namin ay makakatulong sa kanila. Parang payo ng isang kapatido kaibigan. Nasa kanila ‘yon kung susundin nila."

Para naman kayJolina, ilan sa mga nabasa niyang sulat ay kahawig ng personal experiences niya.Kung hindi man nangyari sa kanya ay nangyari ito sa isang taong malapit sakanya.

"Tulad nga ng pilotepisode namin, tungkol sa teenage pregnancy," sabi ni Jolina. "Obviously, hindinaman nangyari sa akin ‘yan, pero may kaibigan ako na dumaan sa ganyan. Sonaka-relate ako because we were there noong pinroblema niya ‘yon. As a friend,nagbigay kami ng advice at support.

"Gano'n kami sa shownamin. Nagiging extended family or extended friend kami ng mga taong ito na mayproblema sa buhay. Masarap magbigay ng advice lalo na kung mapupunta naman satama ang lahat."

JUST LIKE THE OLD DAYS. Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nila Jolina at Marvin sa isa't isa. During the tapingay nandoon pa rin ang biruan at harutan nilang dalawa. Ayon na rin sa kanila ayna-maintain nila ang kanilang friendship after all these years kahit na may mgapinagdaanan silang personal problems sa isa't isa.

Kung babalikan aynoong mid-‘90s sumikat at hirangin na isa sa pinakamalakas na love team angJolina-Marvin team-up sa bakuran ng ABS-CBN. Nagsimula sila sa programangGimik at nasundan ito ng mga shows tulad ng ASAP, Esperanza, at Labs Ko SiBabes. Kumita rin sa takilya ang mga pelikula nilang FLAMES: The Movie, LabsKita... Okey Ka Lang?, Kung Ayaw Mo...Huwag Mo, Gimik: The Reunion, at Hey Babe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit may mga ibangna-link kina Jolina at Marvin, naging very supportive naman ang bawat isa saanumang nangyayari sa personal na buhay nila.

"Ganyan naman kamini Marvin, e," sabi ni Jolina. "Kung ano ang nababalitaan namin sa isa't isa,ginagawa na naming joke ‘yon. Tulad nga niya, ilang beses ko nabasa sa UnangHirit ang tungkol sa kanila ni Diana Zubiri. So kapag nagkikita kami, nagigingrunning joke ko na sa kanya si Diana at yung bathing suit na iniiwan sa bahayniya.

"Si Marvin kasimasyadong mabait ‘yan. Mabilis kasi umakbay sa babae ‘yan kaya natsitsismissiya. Pero in real life, lambing ni Marvin ‘yon lalo na kung close na kayo saisa't isa. Pero kapag tinatanong ko siya regarding kay Diana, ngumingiti lang ‘tapossasabihin na friends lang sila. Ano kaya ‘yon? Ang showbiz niya, di ba?" sabay angmalakas na tawa ni Jolina.

Si Diana ay kasama ni Marvin sa afternoon drama series na Gaano Kadalas ang Minsan.

Wala naman dawmasabi si Marvin sa love life ni Jolina. Maganda nga naman kasi ang relasyonnito kay Bebong Muñoz kaya tahimik at walang tsismis.

"Yun naman ang hanapni Jolens, e," ani Marvin. "Yung almost perfect na relationship. Hindi kokayang ibigay sa kanya ‘yon!" sabay ngisi niya.

Dagdag niya, "Pareho kasi kaming nasa showbizkaya magugulo lang kami talaga ng mga intriga. It's good na she found a goodman in Bebong at hanga ako sa matatag na foundation ng relationship nila. Ialways wish Jolens the best sa mga nangyayari sa kanya. Isa nga itongrelationship niya with Bebong na magandang nangyari sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN