Actress-director Laurice Guillen makes acting comeback in "Iisa Pa Lamang"


“Hindi lang po si Gabby [Concepcion] ang may comeback,”said highly respected director-actress-writer Laurice Guillen during thepress conference of ABS-CBN’s soap IisaPa Lamang last July 8 at Plaza Ibarra restaurant in Quezon City.



Hindi lang si Gabby Concepcion ang may acting comeback saupcoming drama teleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamang, kundi maging angmagaling na direktor na si Laurice Guillen.

Sa grand pressconference ng nasabing soap na ginanap last July 8 sa Plaza Ibarra,Quezon City, sinabi ni Laurice na noong una ay hindi niya inaasahan namapapabilang siya sa final cast. Katulad ng matagal nang nakagawian, akala niLaurice ay magbibigay lamang siya ng acting workshop sa buong cast in preparationfor the actual work.

Bagamat actingworkshop teacher si Laurice, kinabahan pa rin siya nang humarap sa camera at kukunan na ang kanyang mga eksena.

"Ang huling teleseryeko ay ‘yong Flordeluna pa," pag-amin ng direktor. Kasama saadjustment ni Laurice ay ang long hours of shooting kasama na rin ang pagbiyahepatungo sa shoot location.

"Madaling-araw ka nanauwi, 'yong mga ganun. Medyo mahirap. Sabi ko nga, ‘Parang mas bongga pa ‘tokaysa pelikula.'"

Sa mga hindinakakaalam, si Laurice ay isa sa mga respetadong direktor at aktres ng bansa.Kabilang sa mga pelikulang kanyang ginawa bilang direktor ay Kung Ako'y Iiwan Mo (1980), Salome(1981), Kung Mahawi Man ang Ulap(1984), Magkano ang Iyong Dangal (1989), Kapag Langit ang Humatol (1990), Una Kang Naging Akin (1991), Ipagpatawad Mo (1991), Dahil Mahal Kita (1993), Isang Sulok ng mga Pangarap (1994), Bakit Ngayon Ka Lang? (1994), Tanging Yaman (2000), American Adobo (2001), at Santa Santita (2004).

Bilang aktres naman aynapanood si Laurice sa mga pelikula tulad ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang(1974), Inay (1977), Kung Mangarap Ka't Magising (1977), Init (1979), Ina, Kapatid, Anak (1979), Gabun(1979), Moral (1982), Dear Mama (1984), Sister Stella L (1984), Palimosng Pag-ibig (1985), Bakit Madalas angTibok ng Puso (1986), Abot HanggangSukdulan (1989), Bakit Ikaw Pa Rin?(1990), at marami pang iba.

Si Laurice din anggumawa ng screenplay ng Kung Ako'y IiwanMo (1980), Sana Dalawa ang Puso Ko (1995), at Tanging Yaman (2000). Last year aynapanood ang magaling na aktres at direktor sa stage play na The Glass Menagerie.

SWITCHING ROLES. Allpraises naman ang directors ng Iisa Pa Lamang na sina Ruel Bayani atManny Palo kay Laurice. Admittedly, sinabi ng dalawa na na-intimidate sila noongumpisa na manduhan ang well-respected artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Direk Ruelna naging mentor niya si Laurice noong startup years niya sa entertainmentindustry.

"Mula nang nag-start akosa industry na 20-year-old graduate ako ng Ateneo, ang aking first director aysi Direk Laurice. So ‘yong buong first three years ng career ko, karay-karayniya ako sa iba't ibang pelikula. Parang anak niya ako na tinuturuan," saad nidirek Ruel.

Nag-focus na lang dawsi Direk Ruel sa character ni Laurice para ‘di siya mailang. "Iniisip ko na lang ‘yongcharacter. Kasi can you imagine kung ano ‘yong feeling na idinidirek mo angnanay mo sa trabaho. So bina-block ko na lang ‘yon para mag-stay professional."

Sinegundahan naman ni Direk Manny ang mga sinabi ni Ruel. Hanga raw sila sa professionalism niLaurice dahil kahit pa sabihin na seasoned director na ito ay nakikinig ito sainstructions nila.

"She's a very graciousartist," bulalas ni Manny. "Pagdating niya sa set, she comes as an actor.Never siyang nagsabi sa amin na, ‘O, eto ang dapat mong gawin. Eto ang dapatninyong gawin.' And ginagawa naman niya kung ano'ng pinagagawa namin."

LUCKY GABBY. Hindi itinago ni Laurice ang kanyang kasiyahan samuling paglabas sa telebisyon. Halata ring natuwa ito na muling humarap sa mgaentertainment press na matagal-tagal na ring hindi niya nakikita atnakakasalamuha.

Natutuwa rin siya namuling makita at makatrabaho si Gabby Concepcion matapos nga ang matagal nitongpamamalagi sa Estados Unidos. Si Laurice ang nagdirek ng pelikulang Una Kang Naging Akin (1991) at Tayong Dalawa (1992) na parehongpinagbidahan nila Gabby at ex-wife nitong si Sharon Cuneta.

Masaya raw si Lauricesa mainit na pagtanggap muli kay Gabby. Bilang aktor ay napakahusay raw nito atkailangan ng Philippine movie industry ang isang tulad nito.

"Sayang naman angtalent niya," sabi ni Laurice sa PEP (Philippine Entertainment Portal) mataposang presscon proper.

Ilang oras nga raw bagotumulak ang cast sa Plaza Ibarra ay nagkakuwentuhan pa sila ni Gabby sa isang coffeeshop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Earlier we werekilling time. Sabi ko, 'Suwerte mo din Gabby,'" banggit ni Laurice sa mestisongaktor, "'bumalik ka na parang walang nangyari lang.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN