Joyce Ching takes up film course; wants to follow in footsteps of Gina Alajar

Because of You star Joyce Ching is studying Film at the Meridian International College.



Ginagampanan ni Joyce Ching ang papel na Cheska Salcedo, panganay na anak nina Gabby Concepcion at Valerie Concepcion sa kasalukuyang umeere naBecause of You sa GMA-7.

Sa umpisa lang mabait si Cheska. Pasayaw daw talaga ito.

“Nakaka-excite po kasi iba ang gagawin ko rito. Usually kasi, kapag mga tween shows, it’s either naghahanap ka ng nanay or mang-aagaw ka ng boyfriend.

“Kaya ako sobrang excited dito, kasi iba ang lalim niya. Parang ang pinaglalaban mo rito family, e. Parang ‘Huwag mong sirain ang family ko kasi family ko ‘to.’”

Kahit nabibigyan siya ng pagkakataon na maging mabait sa ilang teleserye, parang palaging nauuwi si Joyce sa kontrabida roles.

Okay lang ba yun sa kanya?

Sagot niya, “Sa akin po, okay lang. Walang isyu. Ang gusto ko naman talaga, maging actor.

“Ang gusto ko, ma-hone ko yung acting ability ko and feeling ko, hindi ko rin naman yun magagawa. Hindi ko masasagad ang gusto kong gawin kung mai-stuck lang ako sa isang role at paulit-ulit lang ang gagawin ko.

“And masayang experience. Ewan ko. Nae-enjoy ko rin ang pagiging kontrabida. At saka yun din ang gusto ko, makilala ako bilang versatile actress.

“Parang Sunshine Dizon. Kapag mabait, kayang maging mabait. Kapag masama, kayang maging masama.”

Nagkasama na raw sila Joyce at ang Because of You co-star na si Enzo Pineda sa Dormitoryo. Pero ngayon lang daw sila magiging magka-love team.

Sabi ni Joyce, “Si Enzo naman po, nakakasama ko siya sa mga workshops. Sobrang gaan po niyang katrabaho, sobrang bait.”

Dahil Enzo at Joyce ang pangalan nila, “Enjoy” raw ang tawag ng dalawang artista sa love team nila.

Okay ba kay Joyce na hindi na si Kristoffer Martin ang kapareha?

Tugon niya, “Oo naman. Maggu-grow ka rin dun na iba-iba ang katrabaho mo. Iba-ibang klaseng actors, iba-ibang ages.”


FILM STUDIES. Nag-aaral si Joyce ng kursong Film sa Meridian International College, McKinley Hill, Taguig.

Ayon kay Joyce, “Nag-stop po kasi ako ng three years. Hindi ako nag-college agad. So na-miss ko na mag-aral at saka, na-miss ko rin na magkaroon ng friends outside showbiz.

“At saka, alternative route po. Para hindi lang ako sa showbiz nakaasa. At saka para sa akin po, iba yung may pinag-aralan. Kasi, parang mas nagiging wise, mas nagiging knowledgeable sa mga bagay-bagay.

“And yun, parang achievement din na makapagtapos.”

Bakit Film ang napili ni Joyce na course sa college?

“Behind the camera… malay mo, maging Gina Alajar,” natawang sabi niya.

Si Direk Gina pala ang pine-peg niya?

Sagot ni Joyce, “Opo, siya talaga ang pine-peg ko sa ngayon. Actually, noong first year po ako, nagkaroon ako ng project na kailangan kong mag-interview ng director.

“Isa po si Direk Gina sa ininterview ko. And sobrang alam niya po na nagpi-Film ako. Nakaka-inspire si Direk Gina kasi hindi siya planned [mag-direktor]. Sana ako rin, in the future, sana makapag-direk."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN