Iñigo Pascual on transition from movies to TV: "sobrang nahirapan po ako."

Iñigo Pascual on his first teleserye, And I Love You So: “It’s a challenge kasi sa teleserye, sobrang iba siya sa movie. Sobrang mabilis, fast-paced talaga siya, and I have to learn really quickly."


Na-excite at na-challenge si Iñigo Pascual sa kanyang kauna-unahang ABS-CBN teleserye, ang And I Love You So, sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Dahil nakagawa na siya ng mga pelikula bago nagkateleserye, napagkumpara niya ang dalawang platform.

“It’s a challenge kasi sa teleserye, sobrang iba siya sa movie.

"Sobrang mabilis, fast-paced talaga siya, and I have to learn really quickly.

“So I really wanna do my best kasi this is my first teleserye, and there’s a lot of pressure."

Kagaya ng ibang newbies na may famous parents, isa sa challenges ni Iñigo ay ma-manage ang expectations ng tao.

"Siyempre coming from a bunch of movies and my dad is Piolo Pascual, so I really wanted to deliver.

“In the beginning, sobrang nahirapan po ako. Kaya nga po I signed for a workshop.

"I feel like I have a need to keep doing it to deliver and to be able to portray my role really well,” sabi ni Iñigo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young star sa presscon ng And I Love You So noong Disyembre 1, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.



SUPPORTIVE DAD. Ano ang sabi ni Piolo tungkol sa unang teleserye ng anak?

Sagot ni Iñigo: “He’s really proud. He’s happy for me.

"I mean, he’s always there to support me naman po kahit he’s worried about me being so busy that I don’t even get to see him anymore.

"He’s still there guiding me throughout the whole process naman po.”



ADMIRING JULIA & MILES. Ginagampanan ni Iñigo ang karakter na Justin.

Siya ang papagitna sa magkapatid sa ama na sina Trixie at Joanna, na ginagampanan ng mga bida ng teleserye na sina Julia Barretto at Miles Ocampo, respectively.

Ano ang masasabi niya sa kanyang leading ladies?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang galing nilang dalawa, very professional. Ang daming scenes dito na magugulat kayo, na hindi niyo pa nakikita sa kanila.

“Sobrang kakaiba. I mean, Julia is playing bida-kontrabida for the first time, so talagang iba.

"Sa trailer pa lang, di ba, I was really amazed about the way they acted.

“At saka I guess they just really compliment each other. They have chemistry.

"Puwede silang half-sisters na magtarayan and it doesn’t look bad kahit na nandoon talaga yung tension.”

Kasama rin sa cast ng And I Love You So sina Angel Aquino, Dimples Romana, Tonton Gutierrez, Benjie Paras, Jay Manalo, Nikki Valdez, Dante Rivero, Kenzo Gutierrez, at Francis Magundayao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN