Miles Ocampo downplays alleged rift with Kathryn Bernardo; admits she felt frustrated while waiting for big break in the past

Miles Ocampo (in photo) says she hasn't seen nor spoken to Kathryn Bernardo lately: “Ngayon kasi, di kami nagkikita pero pag nagkikita kami, nagha-'hi, hello!' naman kami. Usap? Di pa. Siguro wala lang time.”




Masasabing dumating na ang tamang panahon para kay Miles Ocampo, ngayong bida na siya sa seryeng And I Love You kasama ni Julia Barretto.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Miles sa presscon ng And I Love You So noong December 1 sa 9501 restaurant ng ABS CBN, inamin ng aktres na tulad ng iba, nawalan siya ng pag-asa na darating ang tamang panahon para sa kanya.

Kuwento ni Miles, “Dumating din ako sa point na ay, ayoko na, parang ang tagal-tagal na.”

“Well, mabait si Lord. Kasi ibibigay ni Lord kung ano ang gusto mo.

“Yun lang naman talaga ang kailangan—patience lang and pray ka na lang nang pray. Darating din ang para sa iyo.

“Nag-start din ako sa Goin Bulilit. Puro sitcoms ang ginagawa ko. Nabibigyan din ako ng opportunities na gumawa ng MMK [Maalaala Mo Kaya] episodes.

“Pero this time, sobrang thankful ako sa Dreamscape, kay Sir Deo [Endrinal] sa trust na binigay nila para sa napakalaking proyektong ito.”



WORKING WITH JULIA. Magkatunggali ang karakter ni Miles at ni Julia Barretto.

Magkaibigan ang dalawang atres sa totoong buhay, kaya hindi issue sa kanila ang sapawan, lalo’t madalas silang magkasama sa mga eksena.

Saad ni Miles, “Okay kami. Sobrang close kami ni Julia na ang hirap magpigil ng tawa lalo na pag magka-eksena kami.

“Pag sobrang saya naming dalawa, sobrang saya namin. Pero pag mga eksenang intense na, talagang intense kaming dalawa. Walang nagpapansinan.

“Sapawan? Wala, walang ganun. Actually, yun ang maganda sa amin ni Julia. Talagang nagtutulungan kami sa isa’t isa.

“Abangan ninyo kung sino ang sasampal sa akin. Pero sa ngayon, marami akong masasakit na salitang naririnig from her character na di ko naman uurungan.

“Yun ang maganda sa character ko. Yun din ang nilu-look forward ko habang ginagawa ito na dati kasi napapanood ko lang yun na yung isa inaapi, yung isa ipinagtatanggol niya ang sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung process nang paggawa ng show, masaya.”


POSITIVE FEEDBACK. Nagpapasalamat si Miles na maganda ang mga feedback na natatanggap niya sa trailer pa lang ng And I Love You So, na mapapanood na this Monday, December 7, sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

“Nakakatuwa sila. Kasi kahit before pa na puro sitcoms ang ginagawa ko— Home Sweetie Home, Luv U—sobra ang suporta nila, lalo na ngayon na iba ang gagawin ko.

“Simula nung nakita nila yung trailer, ang dami kong positive feedback galing sa mga tao. So nakakatuwa.


GAP WITH KATHRYN? Naging issue ang diumano'y biglaang pagkaputol ng pagkakaibigan nila Miles at Kathryn Bernardo.

Bunsod ito ng pagbanggit ni Miles sa ilang interview na di malinaw sa kanya kung bakit bigla na lang di nakipag-communicate sa kanya si Kathryn.

Inamin ni Miles na hindi pa sila nakakapag-usap nang husto ni Kathryn.

Saad ni Miles, “Ngayon kasi, di kami nagkikita. Pero pag nagkikita kami, nagha-'hi, hello!' naman kami.

“Usap? Di pa. Siguro wala lang time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN