Expelled PDA scholars Chivas and Sheng go back to their routine


Former Pinoy DreamAcademy Season 2 scholars Michelle "Sheng" Belmonte andChivas Malunda are grateful for the lessons that they learned from theirmentors.



Bagamat natapos na ang pakikipaglaban nina Chivas Malunda atMichelle "Sheng" Belmonte para sa titulong Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy Season 2 ay hindinangangahulugang tapos na rin ang kanilang pag-abot sa kanilang mga pangarap namas lalo pang pinalalakas ng kanilang pagmamahal sa musika.

Si Chivas na nakilala bilang 'The Husband' ay buongpagmamalaking inihayag na ang kanyang asawa at kapwa PDA Season 2 finalist nasi Bunny ang nagbukas sa kanyang mga mata sa musika. Sa katunayan ay Bunny lamang ang kanyangmusical influence.

Ang talentong ito nga ni Chivas sa pagkanta ay napansin nglahat habang siya ay nasa akademiya pero sa kasamaang palad ay napilitan nagpamunuuan ng Academy na i-expel siya dahil sa mangilang beses niyangpagkahimatay. Ito ay para na rinmasiguradong walang masamang mangyari sa kanya habang siya ay nasa loob.

Aniya, "Malaki ang aking panghihinayang pero tanggap konaman po. Nakakahinayang talaga pero'yon ang naging desisyon, e. Pero masayana rin ako dahil nakasama kong muli ang aking anak na si Jether."

Ayon pa rin sa kanya, sapat na ang baong mga natutunan mulasa mentors at kapwa scholars sa kanyang planong subukin ang showbiz. "Siyempre po, gusto kong magingrecording artist pero hindi rin naman po sarado ang pinto ko sa pag-arte. Depende na lang po siguro sa offers kungmeron man."

Naging makabuluhan para sa stand-up comic na si Sheng dahilmarami siyang bagong natutunan na siguradong makakatulong sa kanya bilang isangperformer. Aniya, "Bukod sa mga vocaltechniques at paglalaro sa kamera, natutunan ko pong mag-focus lalo at mahalinpa ang ginagawa ko."

Ayon sa kanya ay sobrang na-miss na niya ang academy atnagigigisng pa rin siya kada umaga na humihiling na scholar pa rin siya. "Wish ko po talaga nasa loob pa ako kasialam kong malaki pa ang mai-improve sa akin pero gaya nga po ng lagi kong sinasabi, "everythinghappens for a reason."

Sa ngayon ay balik-raket siyang muli sa mga comedy bars atbalak nitong gamitin lahat ng natutunan nito mula sa mga mentors. Umaasa ito na magkaroon siya ng maramingguesting sa TV para maipakita nito lahat ng natutunan sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon na silang mga natutunan ngayon at ito bilangpagpapatibay sa posibildad na malayo ang kanilang mararating. Kailangan lang nilang maging pursigido atnakatutok ang kanilang atensiyon sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap nabituin.

Mapapanood ang Pinoy Dream Academy Season 2 Uberture, mula Lunes hanggang Biyernes,5:30 PM, at Pinoy Dream AcademySeason 2 Primetime, pagkatapos ng My Girl,sa ABS-CBN. Mapapanood din ang PDA scholars sa Studio 23, mula 12:00-2:00 PM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN