Migo Adecer, Klea Pineda, Elyson de Dios, and Ayra Mariano are Final Four of StarStruck VI

StarStruck VI Final Four (L-R): Klea Pineda, Elyson de Dios, Ayra Mariano, and Migo Adecer. The winners of GMA-7's artista search will be named on December 19.


Pinangalanan na ng Starstruck VI ang kanilang final four kahapon, December 11.

Kabilang sa Final Four sina Migo Adecer, Klea Pineda, Elyson de Dios, at Ayra Mariano. Hindi naman na magpapatuloy pa sa GMA-7 artists search sina Jay Arcilla at Arra San Agustin.

Bago matapos ang programa, nagbigay muna ng mensahe ang StarStruck judges na sina Jennylyn Mercado at Joey de Leon sa natitirang finalists.

Unang nag-congratulate si Jennylyn sa mga natitira pang contestants at umaasa itong makatrabaho sila pagdating ng panahon.

Sabi ni Jennylyn, "Congratulations sa inyong apat. Alam ko 'di madali pinagdaanan niyo pero nakaya niyo.

"At kayo talaga ang final four ha? Panindigan niyo 'yan at lalo niyo pang galingan at sana makatrabaho ko kayo soon."

Sumunod namang nagbigay ng kanyang mensahe si Joey at biniro muna nito ang mga natitirang StarStruck survivors. Aniya, "Rehearsals lang ito, rehearsals, kaya ulitan uli tayo. 'Di joke lang."

Pinaalalahan ng Eat Bulaga host ang Final Four at sinabing patuloy na mag-aral at matuto tungkol sa kanilang papasuking karera kahit na tapos na ang kompetisyon.

Paalala ni Joey, "Importanteng Big Four kayo pero merong mas importante diyan, going for the Big Time. Hindi pa tapos iyan. Walang katapusang aral 'to.

"Kami nga ang tagal na namin dito, nag-aaral pa kami. Ganun yan, copngatulations again."

Dagdag pa ni Joey, "At do'n sa mga hindi [nakapasok], si Arra at si Jay, baka lagpasan kayo nun, ingat kayo ha?

"Dahil magkakasama rin kayo, e. Congratulations to all, lahat ng mga sumali dito sa StarStruck."

Bago matapos ang programa, nakapanayam pa ng hosts na sina Dingdong Dantes at Megan Young si Klea Pineda tungkol sa kanyang nararamdaman ngayon napabilang na siya sa Final Four.

Sabi ni Klea, "Sobrang-sobrang saya ko po nung natawag ako. At ang unang-una pong ginawa ko, nagpasalamat po ako kay Lord at kay Papang dahil sa isa pang surprise na binigay niya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mapapanalunan ng StarStruck Ultimate Male and Female Survivors ay one million pesos cash, 2-million worth of house and lot, and 5-year exclusive GMA management contract.

Gaganapin naman ang final judgement ng relatity/talent competition sa Sabado, December 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN