Denise Laurel wins Your Face Sounds Familiar Season 2

Denise Laurel becomes grand champion of Your Face Sounds Familiar Season 2 after impersonating Beyonce.



Si Denise Laurel ang itinanghal na grand champion ng Your Face Sounds Familiar Season 2.

Siya ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto sa grand finals ng nasabing reality show na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Linggo ng gabi, December 13.

Nakakuha si Denise ng 27.51 percent para sa kanyang impersonation kay Beyonce noong performance night noong Sabado, December 12.

Kinanta niya ang "Love on Top" at "Crazy in Love" sa naturang celebrity impersonation show.

Inuwi ni Denise ang P2 million at ido-donate ang kalahati nito sa Caritas Manila, ang kanyang chosen charity.

Si Michael Pangilinan ang nasa second place dahil 23.87 percent ng mga boto ang nakuha niya para sa kanyang impersonation kay Adam Levine, ang vocalist ng American band na Maroon 5.

Pumangatlo naman si Sam Concepcion na nakakuha ng 20.57 percent ng boto sa kanyang paggaya kay Justin Bieber.

Pang-apat na pwesto si KZ Tandingan na ginaya si Lady Gaga, habang nasa ikalimang pwesto si Kian Cipriano na ginaya si Ricky Martin.


[gallery id="9100"]


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN