Yaya Dub meets her Tatay Dodong in Kalyeserye; Alden says "Mahal kita" to Yaya Dub

Vic Sotto dressed up as Yaya Dub's groovy dad in Eat Bulaga.



Nakilala na ni Yaya Dub (Maine Mendoza) ang ama sa December 19 episode ng Eat Bulaga! 

Sakay ng magarang sasakyan ang ama ni Yaya Dub na si Tatay Dodong, na ginagampanan ng Eat Bulaga Dabarkads na si Vic Sotto.

Hindi makapaniwala si Yaya Dub sa itsura ng ama na nakabihis hip hop. Kaya hinimatay ito nang magpakilala sa kanya ang kanyang "Daddy Dods."


Daddy DOD (Dodong Smash) ��

A photo posted by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on


Ikinuwento ni Dodong kina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) kung paano siya muling nakabangon sa kahirapan nang gumanda ang kanyang isawan business at nagkaroon ito ng 150 branches.

Makailang ulit din pinatunayan ni Dodong na siya nga ang ama ni Yaya Dub.

Parehong mahilig sina Yaya Dub at Dodong sa isaw.

Nang sinayaw ni Dodong ang entrance song nito  na "Hotline Bling" kasama si Yaya Dub, napansin ng lahat na palaging parehong-pareho ang galaw nila.

Lalong pinatunayan ni Dodong na siya ang tunay na ama ni Yaya Dub nang nag-Dubsmash nila nang sabay. 

Pagkatapos mapatunayan na siya nga ang ama, humingi si Dodong ng tawad sa  anak.

Agad pinatawad ni Yaya Dub ang kanyang ama at sinabing, "Matagal ko naman na po kayong napatawad 'Tay, e. Nagpapasalamat din po ako sa inyo kasi kayo po ang nagbigay ng buhay sa akin."

Ipinakilala ni Yaya Dub si Alden [Richards] sa kanyang ama bilang "close friend." Ngunit agad napansin ni Dodong na masyado silang malapit sa isa't isa. Tinanong ni Dodong si Alden kung nanliligaw ito kay Yaya Dub, ngunit hindi nakasagot ang binata.

Si Lola Tinidora ang nagkumpirma na nanliligaw si Alden kay Yaya Dub.

Tinanong ni Dodong si Alden kung mahal niya si Maine. Kinilig ang lahat nang sabihin ni Alden kay Maine, "Divina Ursula Bubukova Smash, Yaya Dub, M-A-H-A-L K-I-T-A. I love you."

Ang sagot ni  Yaya Dub, "Ngayon ko lang narinig 'yan sa 'yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinayuhan ni Dodong ang anak na huwag biglain ang relasyon.

Sabi ni Dodong kay Yaya Dub, "Anak, huwag mo munang sagutin 'yan, ha? Huwag  maging mapusok katulad ng nangyari sa amin ng nanay mo.

"Hindi pa kami handa noon kaya kami pinaghiwalay ni Senyora Nidora dahil away kami nang away. Kaya naging basagulero ako."

Sagot ni Yaya Dub, "Huwag po kayong mag-alala, 'Tay. Maghihintay pa po siya nang matagal na panahon bago ko ibigay sa kanya ang matamis kong oo."

Ipinagtapat din ni Dodong na meron na siyang ibang asawa at ipinakita nito ang kanilang litrato.

Nag-offer ng tulong si Dodong kina Lola Nidora at Lola Tidora upang maibalik sa kanila ang mansion na napunta sa  lola ni Alden na si Lola Baba (Ai-Ai delas Alas).

Kahit hindi tinanggap ni Lola Nidora ang alok ni Dodong,  nagbigay din siya ng tulong para kay Yaya Dub.

Pumasok agad sa eksena si Lola Baba upang sabihin na kukunin nito si Alden. Tila nabighani din si Lola Baba sa kaguwapuhan ni Dodong.

Sinabi rin ni Lola Baba na for sale na ang mansyon nila Lola Nidora sa halagang P200 million.

Sinubukan itong bilhin ni Dodong at dinoble pa ang halaga nito. Ngunit isa sa mga amiga ni Lola Baba ang nagsabing bibilhin niya ito sa halagang P600 million.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN