Angelika dela Cruz reprises Dawn Zulueta's role in "Una Kang Naging Akin" TV remake


"Siyempre, lahat naman siguro, gusto ng bida role, yung ikawnaman ang api-apihan. Pero ako kasi, never akong nagde-demand. Masaya na akokung ano lang ang ibigay sa akin. At masaya ako dahil nakikita ko naman na okeyat magaganda yung mga projects na ibinibigay sa akin ng GMA," says Angelika dela Cruz about playing bida-kontrabida roles.



Pagkatapos ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, ang unangteleserye ni Angelika dela Cruz pagkatapos niyang bumalik ulit sa GMA-7 mula saABS-CBN, may panibago nang serye ang aktres sa Kapuso network. Sa pagkakataongito, sa afternoon soap naman na Una Kang Naging Akin siya mapapanood.

Ang Una Kang Naging Akin ay TV remake ng pelikula ng VivaFilms noong 1991 na may ganun ding pamagat. Pinagbidahan ito nina SharonCuneta, Gabby Concepcion, at Dawn Zulueta. Ang role ni Dawn ang gagampanan niAngelika sa TV version.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siAngelika, wala pa raw siyang alam na anumang detalye sa naturang Sine Novela otherthan her role at ang magdidirek nito na si Direk Joel Lamangan.

"Siyempre, happy ako dahil may bago akong soap opera nagagawin," sambit ni Angelika. "‘Tsaka napanood ko na kasi before pa yung Una Kang Naging Akin atmasasabi kong maganda siyang talaga. At kahit yung character ni Dawn, hindisiya kontrabida lang talaga. Bida-kontrabida pero hindi yung sasabihin mongmasama talaga."

Wala raw problema kay Angelika kahit bida-kontrabida pa rinang bago niyang project. After daw kasi ng magagandang response sa acting niya sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, mas lalo lang daw siyangna-inspire.

Taliwas sa sinasabi ng ilan na kesyo nagde-demand siya ng bidarole, wala raw katotohanan yun, ani Angelika.

"Siyempre, lahat naman siguro, gusto ng bida role, yung ikawnaman ang api-apihan. Pero ako kasi, never akong nagde-demand. Masaya na akokung ano lang ang ibigay sa akin. At masaya ako dahil nakikita ko naman na okeyat magaganda yung mga projects na ibinibigay sa akin ng GMA," pahayag ngaktres.

Kung tatanungin daw siya ngayon, masasabi niyang she's verycontented sa kung anuman ang meron siya pagdating sa personal at professionallife niya. Masaya rin daw siya being a Kapuso now.

"Oo naman! As in, oong-oo. Haping-happy siyempre!" bulalasni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN