Albert Martinez asked: Did they modify All Of Me because of JM de Guzman's situation?

Albert Martinez says about All Of Me leading lady Yen Santos: “May mga moments talaga na kaming dalawa, kinikilig with each other."



Back to back ang tawag ng aktor na si Albert Martinez sa dalawang teleserye niya ngayon sa ABS-CBN.

Napapanood siya sa afternoon teleserye na All Of Me kunsaan gumaganap siya bilang Doc Manuel at parte rin siya sa primetime series na Ang Probinsyano kunsaan ang karakter niya ay si Tomas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa B Hotel, Quezon City si Albert.

Ayon sa aktor, “We call it back to back dahil nga we have afternoon show and evening show. First time na mangyari sa buong buhay ko, sa career ko na makagawa ako ng dalawang project na lumalabas at the same time.

“Hindi siya madali, mahirap, very challenging pero so far, I’m enjoying it and it’s kumbaga, siguro sa experience ko, one of the highlights of my career, especially at my age, 54, parang hindi ko inimagine na mangyayari sa akin ‘to.

“To be honest with everyone, when I turned 50, I already decided to accept much, much older roles. But with the blessing, I don’t know, nagkaroon tayo ng extension sa career na binigyan tayo ng younger leading lady, si Bea Alonzo and to my surprise, much younger naman, si Yen [Santos].

“So yun ang pinakamagandang nangyari. I don’t know how to call it, but 'after-50 career.' So, we call it back to back,” nakangiting sagot ni Albert na ‘di-hamak na bata at guwapo pa rin sa edad niyang 55.

Dalawang malaking teleserye ang pareho niyang ginagawa kaya Linggo na lang daw talaga ang literal na pahinga niya.

Pero, paano niya ba nagagawang mag-taping pareho para sa All Of Me at Ang Probinsyano?

“Physically, well, it’s manageable. Mabait naman ang dalawang produksiyon, nagko-coordinate sila. They allow me to have at least, five hours sleep and then, sa travel time, galing at papunta sa next project at ang maganda kasi, ever since I’ve been part of this industry, I find working na hindi naglo-load sa akin ng stress, actually, nagtatanggal nga ng stress sa akin so, okay.

“Yung sleep lang talaga, yung five hours, kailangang i-maximize ko or else, mahihirapan ako during taping.”

Isa sa mga kilalang matinee idol si Albert noong 1980s. Kaya biro namin sa kanya, dahil na rin sa serye niya ngayong All Of Me, para siyang bumalik sa pagiging matinee.

Natawang tanggi ni Albert, hindi naman daw siguro matinee.

“Hindi ko ma-imagine, kasi nga sabi ko, when I turned 50, okay na tayo sa next level. Yung reality, you cannot compete naman sa mga bata. But ang nangyari lang sa akin right now, overwhelming for me, e.

“At first, hindi ko alam kung paano ko siya iha-handle, especially when I started it with Bea.  Pero parang nag-grow sa akin yung ganoong klaseng situation.

“Na-enjoy ko na siya.

“Actually, in reality, all of us naman know what happened to me and my family. Noong inumpisahan ko itong All Of Me, it helped me a lot on a day to day basis.

“Hindi ko masabing magaan ang feeling pero, kahit paano, natulungan ako with my process. I’m sure, all of you can imagine kung gaano kahirap para sa akin yun. Pero yung moment na nagta-trabaho ako, nabigyan ako ng pagkakataon na matanggal ang isipan ko run sa unang dinadala ko.”

Sa All Of Me, ang karakter ni Albert bilang si Doc Manuel ay nagbalik nang mamatay na siya.

Sabi nga namin sa kanya, naisip niya kayang sana pala, puwedeng mangyari sa totoong buhay ang kuwento ng teleserye nila?

“Hindi ko isinasara ang pinto, pero as of now, this particular moment, mahirap pa siguro. Papabayaan ko muna ang sarili ko na dumaan sa proseso na yun.

“But who knows, a year from now, two years from now baka may ma-meet ka na equally mag-match, I don’t know, we’ll see. Right now, wala pa dun, but we don’t know next couple of years, kung ano ang mangyayari.”


CHEMISTRY WITH YEN SANTOS. May kilig talaga silang dalawa ni Yen na gumaganap bilang leading lady niya named Lena. Tinagurian pa ang kanilang love team bilang AlYen.

Nasurpresa rin ba siya na may chemistry silang dalawa?

“Yun nga ang maganda run, kahit ako, kinikilig sa set. Ang ganda ng rapport naming dalawa na kapag nandun kami sa set, we feel so comfortable, kaming dalawa.

“May mga moments talaga na kaming dalawa, kinikilig with each other, yun ang nakakatuwa run. Kaya it helped me with the process. Kapag nandun ako, parang everything is beautiful.”


DID THEY MODIFY STORY BECAUSE OF SITUATION OF JM? Kung pagbabasehan ang kuwento, nawala na ang karakter niya at pumalit na rito si JM de Guzman. Pero dahil sa mga nababalitang diumano’y pinagdadaanan ni JM ngayon, nawala ito at muling bumalik si Albert. 

Yun ba talaga ang orihinal na takbo dapat ng kuwento?

“Siguro with our AOM [All Of Me] family, originally talaga, since we branded this presscon as no-holds-barred presscon, siguro I’ll be honest and candid with all of you.

“Ang agreement talaga namin with All Of Me is the pilot which I fell in love with the very first day na prinisent sa akin ang pilot. And it’s something na I want to do at kailangan ko siyang gawin because I’m going through that process.

“Yun na yun and I was happy with the pilot, kung anuman yung umikot during the shoot of the pilot. Pero hindi ako bumitaw sa AOM, sabi ko, ang gandang project nito, I’m still monitoring, actually, kinoment ko nga si JM na ang ganda ng transition.

“Na hindi mo naramdaman si Doc Manuel, tapos naging Edong. Ang ganda ng pagka-handle niya which is, I’m very happy.  Actually, happy ako all the way hanggang sa moment na umexit si JM.

“Pero, hanggang dun na lang talaga. Now, meron kaming iniisip na baka puwedeng lumabas ako sa dulo, kapag naayos ni JM ang kanyang journey para babalik si Lena kay Doc Manuel, pero, ending lang yun. Yun ang original sana, until nga sa sinabi niyong situwasyon.”

Mas naging masaya nga ba si Yen nang bumalik siya sa All Of Me?

“Kumportable naman kasi kami since day one, so yung magkasama kaming muli, kung anuman na-establish namin during the pilot, bumalik yun, more pa yata.

“Mas kumportable na kami ngayon, more,” saad niya.

Extended ang All Of Me hanggang March 2016 at Ang Probinsyano naman, extended hanggang July 2016.

Sa dalawang teleserye niya, saan siya mas nahihirapan?

“Sa All Of Me kasi, physically, kapag nasa set ka, ikaw lahat yun. Sa Ang Probinsyano, marami kaming sobra na if I have time, pwede akong mag-power nap.

“Sa All Of Me, wala.Kapag tumungtong ka sa set, from opening hanggang baklas, ikaw yun.”

Masaya naman si Albert na sa dalawang teleserye, magkaibang-magkaiba ang karate niya. 

Aniya, “Blessing din yun. “Hindi ako dumidikit kasi, parehong magkalayo siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN