Polo Ravales joins Ang Probinsyano; tells Coco Martin: "You deserve everything."

In his Facebook post, Polo Ravales (leftmost) said about Ang Probinsyano co-star Coco Martin: “It was nice to see u again..di ka nagbago..u deserve everything.”



Pagkatapos ng halos isang taon na walang regular na teleserye, mapapanood na ang former GMA-7 actor na si Polo Ravales sa primetime teleserye ng ABS-CBN na Ang Probinsyano.

Pinagbibidahan ni Coco Martin ang Kapamilya teleseryeng Ang Probinsyano. Gaganap si Polo bilang si Brad, isa sa miyembro ng sindikato.

Nag-post si Polo sa kanyang Facebook page ng photo kunsaan kasama niya ang bida ng teleserye na si Coco Martin.

Nilagyan pa niya ito ng caption na: “It was nice to see u again..di ka nagbago..u deserve everything.”

Pinost din ng aktor ang first taping day niya sa teleserye at kasama niya ang ilan pa sa cast members ng Ang Probinsyano na sina Bela Padilla, Ana Roces, Hanna Ledesma, at Dennis Padilla.

Nagpasalamat si Polo sa ABS-CBN dahil maganda ang naging ending ng 2015 para sa kanya dahil sa pagkakasali niya sa Ang Probinsyano.

Naging freelancer si Polo pagtapos na mag-expire ang kontrata niya sa GMA-7.

Huling napanood si Polo sa teleserye na Ilustrado noong 2014 kunsaan gumanap siyang kontrabida kay Alden Richards.

Bilang freelancer ay nakapag-guest na si Polo ng dalawang beses sa programang Ipaglaban Mo sa ABS-CBN.

May ginawa rin siyang indie film na Of Sinners And Saints at nakasama rin siya sa cast ng pelikulang Angela Markado.

Sa January 2016 ay mapapanood naman si Polo sa isang episode ng Magpakailanman ng GMA-7.

Dapat ay may sasalihan na ibang teleserye si Polo sa Kapamilya Network, pero hindi siya natuloy dahil dumaan siya sa isang slipped disc operation noong June 2015.

Pagkatapos ng ilang buwan na therapy ay ready nang magtrabaho ulit si Polo at dumating na nga ang teleserye na Ang Probinsyano.

Noong huli naming makausap si Polo, nami-miss na raw niya ang lumabas sa teleserye.

Noong nasa GMA-7 pa raw siya ay nasanay siyang magkakasunod ang ginagawa niyang teleserye.

Noong kasalukuyang wala siyang ginagawang teleserye, pinasok niya ang telemarketing at naging malaking tulong iyon habang naghihintay siya na magkaroon ng regular na show.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN