Megan Young gives hints on what to expect from MariMar finale this Friday

Megan Young says viewers can see if the wedding between Marimar and Sergio (played by Tom Rodriguez, in photo) will take place during the finale this Friday, January 8.




Sa pagtatapos ng GMA-7 primetime teleserye na MariMar ngayong Biyernes (January 8), labis ang pasasalamat ng bida ng naturang teleserye na si Miss World 2013 Megan Young.

Para kay Megan, isa sa highlights ng kanyang career sa showbiz sa nagdaang 2015 ay ang pagpayag niyang gumanap bilang si MariMar.

"From Miss World, MariMar na ang tawag na nila sa akin.

"It's a good thing. Actually happy ako kasi nag-stick sa kanila na ako ang MariMar ng 2015," masayang pahayag ni Megan sa kanyang interview sa 24 Oras.

Dahil sa MariMar ay naka-experience si Megan na dumaan sa matinding acting workshop kunsaan kasama niya ang kanyang leading man na si Tom Rodriguez.

Malaking bagay din sa actress-beauty queen ang makatrabaho ang mga veteran stars tulad nila Nova Villa, Tommy Abuel, Jaclyn Jose, Carmi Martin, Alice Dixson at ang iba pang cast ng MariMar.

Naging daan din ang MariMar para makatrabaho niya sa unang pagkakataon ang kanyang nakababatang kapatid na si Lauren Young.

"It's been a great learning experience for me.

"Pati ang Tagalog ko nag-improve na rin...yung grammar ko.

"So lahat ng iyon nagkaroon ng pagbabago," diin pa ng 25-year-old actress.

Ayon pa kay Megan, sa finale ng MariMar, maraming aabangan ang mga televiewers at masasagot na ang mga tanong nila tungkol sa mangyayari sa kanila ni Sergio Santibanez.

"Aabangan nila ang final revenge ni Bella Aldama sa mga Santibanez.

"At kung finally, matutuloy na ba ang kasal nila Sergio at MariMar."

Isang well-deserved vacation ang nasa plano ni Megan dahil sobra raw siyang napagod sa mga huling araw ng kanilang taping sa MariMar.

Wala pa raw siyang alam sa magiging susunod niyang teleserye.

"Medyo naging intense ang taping namin ng MariMar, kaya I'm going to take a little vacation.

"Parang gift ko na rin sa sarili ko iyon for all the hard work that I have been doing noong 2015."

Bukod kasi sa MariMar ay naging co-host pa si Megan ng reality-artista search ng GMA-7 na StarStruck 6.

Nakakontrata rin si Megan sa Miss World Inc. kaya siya ang kinuhang mag-host ng Miss World 2015 na ginanap sa Sanya, China noong December 19, 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN