Vice Ganda completes lineup of judges for Pilipinas Got Talent Season 5



Kumpirmado na si Vice Ganda ang ikaapat na judge sa muling pagbabalik ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.

Mismong si Vice ang nag-confirm nito sa ekslusibong panayam namin sa kanya noong Huwebes.

"Ay, yes," masayang pagamin ni Vice sa maikling panayam na binigay niya pagkatapos ng taping niya ng Gandang Gabi Vice.

"Bagong show, bagong blessing pagpasok ng 2016."

Matatandaan ang unang set ng panel of judges sa Pilipinas Got Talent ay kinabibilangan ng dating top executive ng Kapamilya network na si Freddie Garcia, si Kris Aquino at Comedy Queen Ai-Ai delas Alas.

Kailan inoffer sa kanya na mag-judge sa Pilipinas Got Talent?

"December last year, tapos nagkapirmahan agad. Bago natapos yung taon, okay na lahat.

"Hindi naman ako nagdalawang-isip noong inoffer nila sa akin kasi gusto ko yung show," lahad ni Vice.

Kasama ba sa existing na exclusive contract niya sa ABS-CBN ang Pilipinas Got Talent?

"Hindi kasama ang PGT sa existing contract ko with ABS. Additional show siya kaya nakakatuwa. Another blessing pagpasok ng taon."

This is the second time na uupo sa isang talent search bilang hurado si Vice.

Matatandaan na una munang naging hurado si Vice sa It's Showtime bago siya napasama as main host ng noontime show sa Kapamilya network.

"Ibang challenge naman 'to nang pagdya-judge. Magkaiba sila. Kailangan 'di pucho-pucho ang pagdya-judge sa PGT. Mas malawak kasi ang range at napakataas ng standards ng winner na hinanap ng show," paliwanag ni Vice.

Bukod kay Vice, kasama niya rin bilang judge si Angel Locsin.

"Yes, at si Robin Padilla. Pareho sila na first time kong makakasama sa isang show kaya tingnan natin kung paano kami magdya-jive sa isa't isa," excited na sabi ni Vice.

"Nakakatuwa, di ba, iba-iba kami ng panlasa at standards. May diversity among the judges."

Ano ang feeling na ang sila ang ipinalit sa dating mga hurado na sina Kris at Ai-Ai?

"E, ayaw naman na ata ni Kris. Tapos si Ate Ai-Ai naman alam nating lahat na nasa ibang istasyon na," pagtatapos ni Vice.


(Read: Angel Locsin and Robin Padilla tapped as judges of Pilipinas Got Talent Season 5)


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN