Lea Salonga to appear on Hollywood series Crazy Ex-Girlfriend; clarifies reunion with Aga Muhlach

Lea Salonga (left) will appear on the finale of the American musical comedy series Crazy Ex-Girlfriend. This Hollywood show is topbilled by actress Rachel Bloom (right).



Naging usap-usapan ang announcement ni Lea Salonga na may reunion sila ni Aga Muhlach.

Sa kanyang Twtter account, nag-post si Lea: "To all #LeAga fans... We will be reunited very soon. Photos will be forthcoming."





Sa kanyang sumunod na tweet, nilinaw ni Lea na hindi sila gagawa ng pelikula ni Aga, ang kanyang leading man sa 1995 movie na Sana Maulit Muli.



GUEST STAR. Excited rin ang international star sa kanyang nalalapit na paglabas sa American comedy/musical series na Crazy Ex-Girlfriend.

Sa kanyang Twitter at Facebook account, pinost ng former Miss Saigon ang kanyang paglabas sa naturang show kunsaan bida ang Golden Globe winner na si Rachel Bloom.

Ayon kay Lea, "I guess the news is out!!! I'll be appearing on the season 1 finale of the CW's Crazy Ex-Girlfriend! And singing, too! How fun is that?!"

Pinalabas noong October 2015 ang Crazy Ex-Girfriend sa The CW Network.

Narito ang synopsis ng show na ito: "Successful and driven, Rebecca Bunch
seemingly has it all--an upscale apartment in Manhattan and a partnership at a prestigious law firm--but she feels like something is missing.

"After a chance meeting with a former romantic interest, Rebecca impulsively decides to give up her life in New York and relocate to West Covina, California, a Los Angeles suburb."

Ang lead character na si Rebecca ay lumipat sa California upang sundan ang kanyang high-school boyfriend, Josh Chan, na isang Filipino-American citizen.

Ang bida na si Rachel Bloom ay isa ring executive producer ng show.

Sa acceptance speech ni Bloom bilang Best Actress sa Golden Globe Awards, kinuwento niya na anim na TV networks ang nag-reject sa pilot ng Crazy Ex-Girlfriend.

Naging savior nila ang The CW Network na joint venture ng CBS Corporation at Warner Bros Entertainment.

Kinumpirma ni Bloom sa Entertainment Weekly na tuloy ang guest appearance ni Lea Salonga.

Nagkaroon ng interes si Bloom sa Filipino culture dahil ang isang aktor sa cast na si Vincent Rodriguez ay Filipino-American at gumaganap itong Pinoy sa Hollywood show na Crazy Ex-Girlfriend.

Ayon pa kay Bloom: "One of our characters happens to be Filipino so when we realized no one else had even made the effort to show a Filipino family on an American comedy, it taught me a lot about Filipino culture.

"It's also taught me really about how important diversity is, if you want to tell a new story."

Kasalukuyang nasa New York si Lea at lumalabas sa Broadway musical na Allegiance kunsaan co-stars niya sina George Takei at Telly Leung.

Ayon rin sa Twitter account ni Lea, ang kanilang Broadway play na Allegiance ay magtatapos sa February 14, 2016.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN