Ash Ortega hopes Wowowin will air daily

Ash Ortega doesn't mind playing a supporting role in the new GMA-7 teleserye, Wish I May. "Okay naman po sa akin. Ano naman po, wala namang problema sa akin."



Sa InstaDad dati ay isa sa mga bida si Ash Ortega along with Gabbi Garcia and Jazz Ocampo.

Pero sa Wish I May ay supporting character/kontrabida si Ash kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Pero wala raw kaso iyon kay Ash.

"Okay naman po sa akin, ano naman po, wala namang problema sa akin.

"Dito naman [sa Wish I May] marami rin naman akong exposure, kasi yun nga, kontrabida ako sa dalawa--kay Bianca tsaka kay Miguel.

"Boyfriend ko kasi si Miguel dito and then, ayun nga, bestfriend ko si Bianca.

"Tapos, parang nag-Australia ako for a business trip, tapos tinrust ko si Bianca na bantayan muna si Tristan. Tapos, nagka-develop-an sila.

"Tapos, nung nalaman ko na may something dun ako magkokontrabida kay Bianca, kasi inagaw niya sa akin...

"Hindi naman inagaw, hindi ko rin... siyempre working sila as loveteam, so talagang sila talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ash sa 17th floor ng GMA Network Center sa presscon ng Wish I May.

Sa Wish I May ay mapapanood sina Bianca bilang si Carina at si Miguel bilang si Tristan.

Nasa show rin sina Sancho delas Alas bilang si Tope, Mark Herras bilang si Andrew, Camille Prats bilang Olivia, Mark Anthony Fernandez bilang Clark, Alessandra de Rossi bilang Loretta, Glydel Mercado bilang Barbara, Rochelle Pangilinan bilang Audrey, Neil Ryan Sese bilang Gabriel, Juan Rodrigo bilang Edward, Prince Villanueva bilang Dave, Marni Lapuz bilang Doris at si Ash bilang Eunice.

"I like my role actually," pagpapatuloy ni Ash.

Ang Wish I May ay sa direksyon nina Neal del Rosario at Mark Sicat dela Cruz at ipapalabas ngayong Lunes, January 18, sa GMA Afternoon Prime slot.


NO PERMANENT LOVE TEAM YET. Sabay ini-launch sina Ash at Gabbi, at ngayon ay sikat na ang GabRu tandem nina Gabbi at Ruru Madrid.

Si Ash ay wala pa ring steady na ka-loveteam.

Saad niya, "Sa ngayon wala pa pong permanent love team."

Sa InstaDad ay sila na ni Juancho Trivino ang magka-loveteam pero tila pinaghiwalay sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam e, hindi ko po alam," at tumawa si Ash.

Kakapirma lang ni Ash ng tatlong kontrata sa GMA simula noong Agosto.

Tinanong naman namin si Ash kung nag-audition siya sa Encantadia. Muling ibabalik ng GMA sa telebisyon ang sikat na fantaserye ngayong 2016.

Tanggi niya, "Hindi po, e. Hindi ko po alam kung sino ang mga ang-audition."


WOWOWIN STINT. Bukod sa Wish I May ay naghu-host din si Ash ng Wowowin.

"
Kami ni Gabbi, nagwa-Wowowin, kami yung mga co-host ni Kuya Wil."

Si Thea Tolentino, na minsang naging guest sa naturang game show, ay inalok ng pambili (o pang-downpayment) ng kotse ni Willie Revillame.

"Kasi sa game show, game show naman po kasi. Pero si Kuya Wil, mabait po siya, promise! Mabait po siya."

Paano kung si Ash ang bibigyan ng pambili ng kotse?

"I don't think so.

"Depende rin naman kung paanong pag-alok.

"Pero I don't think aalukin naman niya ako ng car."

Kung sakaling alukin nga siya, tatanggapin ba ni Ash?

"I think mas gugustuhin ko na yung ako yung... pagtatrabahuhan ko na, using my own money.

"Ako ang bibili ng kotse."

WOWOWIN TO GO DAILY? Regular co-host na ba siya ng Wowowin?

"As for now wala pa kasing regular host kasi hanggang...they're planning kasi this year na baka daw mag-daily na ang Wowowin, Monday to Friday.

"Pero pinapakilala kami as guest hosts, kami ni Gabbi at tsaka si Denise [Barbacena], at tsaka si Ate Arianne, si Arianne Bautista.

"Pero nakailang episodes na rin kami na kami ang hosts doon, pero sana maging regular kami kasi magandang exposure rin yun lalo na pag magde-daily kami."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN