Manny Pacquiao versus Kim Atienza in "Matanglawin"


Kim Atienza (back to camera) faces Manny Pacquiao in the July 27 episode of Matanglawin. Kuya Kim, the host of the said TV show, will also feature three Pinoy martial arts this Sunday.



Pagkatapos tanghaling kampeon sa boxing fight niya laban kay David Diaz sa Las Vegas noong Mayo, haharapin ni pambansang kamao Manny "Pacman" Pacquiao ang pambansang trivia king na si Kim Atienza sa isang natatanging episode ng Matanglawin ngayong Linggo (July 27).

Mapangahas ngang susubukan ni Kuya Kim na makipagduwelo sa tinaguriang people's champ, gamit ang mga kaalamang ituturo mismo ni Pacman.

Matapos makailang-ulit na naiuwi ang kampeyonato sa boxing, isisiwalat na ni Manny kay Kuya Kim ang sikreto sa kanyang naglalakasang mga suntok at kung saan niya hinuhugot ang bawat isa sa mga ito.

Bukod pa riyan, sari-saring Pinoy martial arts din ang aaralin ni Kuya Kim tulad ng Yaw-yan, Arnis, at Kali kung saan bladed weapon ang ginagamit sa pakikipaglaban.

Saan nga ba nagsimula ang mga Pinoy martial arts na ito? Sino kaya ang mananalo sa labanang Pacquiao-Atienza?

Malalaman na ang lahat ng kasagutan sa isa na namang episode ng Matanglawin, Linggo (July 27), 9:00 AM sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN