Will Kylie Padilla be part of Encantadia remake?

Kylie Padilla is excited over the possibility of being considered to be part of the GMA-7 remake of Encantadia: "Actually, yung tungkol diyan, pinag-uusapan pa. Parang, nag-uusap pa kami kung ano ba talaga ang mangyayari. Since yun na nga, na-extend kami [Buena Familia] hanggang March."

 



Dahil extended ang Buena Familia, tinanong namin si Kylie Padilla kung ano ang mangyayari sa Encantadia?

May bulung-bulungan kasi na isa si Kylie sa mga napipisil para gumanap bilang isa sa mga Sang’gre sa remake ng naturang fantaserye ng GMA-7.

Apat na aktres ang gumanap sa unang version ng Encantadia noong 2006.

Ito ay sina Sunshine Dizon bilang Sang'gre Pirena, Karylle bilang Sang'gre Alena, Diana Zubiri bilang Sang'gre Danaya, at Iza Calzado bilang Sang'gre Amihan.

Sabi niya, “Actually, yung tungkol diyan, pinag-uusapan pa.

Parang, nag-uusap pa kami kung ano ba talaga ang mangyayari.

Since yun na nga, na-extend kami hanggang March.”

Ayon sa bali-balita, ang taping ng Encantadia ay ngayong Pebrero.

So paano nga ba mangyayari yun? So iyon.

Ako personally hindi pa ako sure kung kasama talaga ako diyan, sa Encantadia.

But it’s an honor to be considered,” pahayag ni Kylie ng bisitahin namin noong Lunes, January 25 sa Scout Gandia sa Quezon City sa taping ng Buena Familia, ang GMA-7 drama series na isa si Kylie sa mga bidang artista.


BUENA FAMILIA OR ENCANTADIA? Lumulutang rin ang mga pangalan nina Janine Gutierrez, Glaiza de Castro, Max Collins, at Rhian Ramos na maaari umanong mapasama sa Encantadia.

Kung sakali na papipiliin siya kung ano ang igi-give up niya, ang Buena Familia o ang Encantadia, ano ang pipiliin niya?

Natatawa niyang hirit, “Ang hirap naman niyan!

Kaya nga nanghihinayang ako if ever mag-no man or whatever...

Kaya ayoko nga munang magsalita, kasi pinag-iisipan ko at pinag-iisipan din namin ng manager ko kung ano ba talaga ang tamang gawin.”

Si Betchay Vidanes ang manager ni Kylie.

As much as possible ay ayaw mamili ni Kylie.

Diin niya, “Oo. Kasi magandang project din yung Encantadia.

HESITANT TO WEAR SEXY COSTUMES. Ang papel ni Danaya kung sakali ang mapupunta kay Kylie.

Sexy si Diana Zubiri na gumanap dito dati at sexy rin ang costume ni Danaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, handa ba si Kylie kung sa kanya nga mapupunta ang role?

Oo nga e, kaya nga… actually, ayokong mag-diet, pero kung kinakailangan,” at tumawa ang Kapuso actress.

Hindi naman bawal sa kanya ang magsuot ng seksing costume.

Hindi naman na bawal sa akin pero ako naman personally ayoko lang yung bikini or ganun.

“Ayoko na muna.”

NO PRESSURE. Going back to Buena Familia, may pressure ba kay Kylie na lalong pagandahin ang show dahil extended nga at isa siya sa mga bida?

Hindi, kasi ang Buena Familia naman, iyon na nga, Buena Familia, so lahat kami, team effort, hindi lang naman ako.

And thank God lahat naman kami mahuhusay. Wow!” at tumawa ang aktres.

So hindi na siya mahirap ang saya nga sa set kasi alam na namin yung trabaho namin, e. Pagdating mo dun, ganyan-ganyan, sobrang ganda ng chemistry.”

Bukod kay Kylie na gumaganap na Celine Buena ay kasama rin sa cast ng naturang GMA Afternoon Prime series sina Angelu de Leon-Rivera as Bettina Agravante-Buena / Sally Luzanes; Bobby Andrews as Arthur Buena; Julian Trono as Edwin Buena; Mona Louise Rey as Faye Buena, at si Julie Anne San Jose as Darling Buena.

NEW YEAR'S RESOLUTION. Dahil kasisimula lang ng taong 2016, tinanong namin si Kylie kung ano ang New Year’s resolution niya.

Lahad niya, “Hindi ako naniniwala sa New Year’s resolution.

Kasi kung hindi mo magawa ng today, ngayon, hindi mo magagawa ng sinet mo na date.

Kasi yung nakasanayan mo, hindi mo mababago yung mga nakasanayan mo na nang ganun.”

May ginawa ba siya in the past na ayaw na niyang gawing muli?

Aniya, “Siguro yung hindi ko kakalimutan yung family ko or whoever ako para lang sa isang lalaki.

Iyon yung pinakamali na puwede niyong gawin.

'Girls, huwag nyong gawin yun, hindi tama.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

YAYA DUB FAN. Samantala, nakilala na nang personal ni Kylie ang girl crush niyang si Maine Mendoza.

Sa Eat Bulaga!

Hindi kami nag-meet na…

Siyempre ako, nahihiya ako, pag crush ko nahihiya ako.

Wow! Pero nag-hi ako tapos nagpabebe wave siya,” at kinikilig na tumili si Kylie.

Kinikilig ako!”

Hindi raw siya nakapagpalitrato with Yaya Dub.

Sabi niya, “Hindi, nahihiya nga ako, e.

Nandito kasi ako sa side sa backstage tapos nandun sila ni Alden sa stage.

Nanonood lang ako. Masaya na ako nun, fan girl moment lang.”

CRUSHES. Hindi lang si Maine ang crush niya na babae.

Detalye pa niya, “Marami akong girl crush. Sino pa ba? Sofia Andres. For a while Ellen Adarna. Alessandra de Rossi.”

Hindi raw siya nag-aalala na baka pagdudahan siyang tomboy.

Ewan ko, hindi naman. Hindi naman. Baka, may pagka,” at tumawa si Kylie.

Sa lalaki naman ay si Julian Trono ang crush niya.

Crush ko si Julian pag sumasayaw siya. Napaka-hot niya! Chos!” natatawa niyang pagtatapos.



(View: DREAM CAST: GMA-7 stars we'd like to see on Encantadia 2016




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN