"Boy and Kris" celebrates first anniversary on the air


Boy Abunda and Kris Aquino mark the first year anniversary of Boy & Kris with a weeklong celebration from July 28-August 1, 2008.


Isang linggong saya ang aabangan sa morning show nina Boy Abunda at Kris Aquino, Boy & Kris.

Ihahatid lahat ng "pinaka" sa showbiz sa unang anibersaryo ng Boy & Kris simula ngayong Lunes hanggang Biyernes (July 28-August 1), 10:30 am. Limang "all the best" episodes ang inihanda ng morning talk show ng ABS-CBN para sa kanilang week-long celebration.

Mapupuno ng kakaibang saya at aliw ang bawat umaga sa paghaharap ng dalawang talk show hosts ng Kapamilya Network.

Humanda sa pakikipag-jamming ng pinakamahuhusay na performers ng bansa bilang panimula ng week-long celebration ng Boy & Kris. Kikiligin din ang mga manonood kasama ang hottest love teams ng bayan. Pagandahin ang inyong umaga kasama ang the best faces sa showbiz. Makipag-kwentuhan at maki-celebrate with the best real-life couples in the industry. At huwag palalampasin ang pagsasama ng mga tinitingala at ini-idolong icons sa pelikula at telebisyon.

Abangan ang kwentuhan at kasiyahan sa first anniversary celebration ng Boy & Kris sa ABS-CBN mula July 28-August 1, 2008 sa ganap na 10:30 ng umaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN