Nora Aunor on co-star Kris Bernal: "Magaling na siya..."



Nakapanayam namin ang Superstar na si Miss Nora Aunor sa set ng Little Nanay noong February 2 sa Fairmount Hills Subdivision sa Antipolo.

Una muna ay kinumusta namin sa kanya ang takbo ng taping nila para sa kanilang GMA-7 primetime series.

“Magaling yung mga kasamahan ko dito. Magaling sila.”

Tinanong naman namin ang Superstar kung ano ang pagkakaiba ng paggawa ng isang teleserye at sa paggawa ng isang pelikula.

“Ang pelikula kasi pagka nagkamali ka puwedeng ulitin… puwede rin namang ulitin dito nga, pero mas ano kasi mas putul-putol lang sa pelikula, dito kasi diretso, e.

“Pagka taping, diretso.”

Mas nakakapagod bang gumawa ng teleserye kaysa pelikula?

“Parang. Oo, ako napapagod ako sa teleserye kaysa pelikula.”

Kinumusta naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Superstar kung kumusta si Kris Bernal bilang katrabaho; si Kris bilang si Tinay ang Little Nanay sa kanilang programa.

“Magaling na siya, magaling siya. Magaling na artista si Kris.”

Gumaganap naman ang Superstar bilang si Lolay Annie Batongbuhay, ang nanay ng karakter ni Kris sa programa.

Sa tanong naman namin kung humihingi ng tips o advise sa kanya si Kris sa pag-arte…
“Hindi! Hindi.”

Sa pelikula naman ay may bago raw siyang gagawin with director Adolfo Alix Jr. na isang pelikula na hindi pa raw niya puwedeng sabihin.

Ang mga pelikula naman niya na nakatakdang ipalabas ay ang Padre de Familia, Whistleblower, at ang Kabisera kung saan kasama niya ang anak niyang si Lotlot de Leon.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN