Angelu de Leon pleased by three-time extension of Buena Familia


“I know, right,” ang bulalas ni Angelu de Leon ng banggitin namin sa kanya ang tungkol sa pagkaka-extended ng GMA-7 afternoon drama series nila na Buena Familia.

“Pang-ilan na bang extension? Pangatlo, kung sakali.

“Nakakatuwa! Kasi parang nakakatuwa lang kasi parang nagbabalik yung noong mga soap, yung tumatagal na matagal na matagal. So nakakatuwa kasi parang kahit hindi naman kami… parang kasi kami ginagawa lang talaga namin yung trabaho namin, di ba?

“Parang we really just want to give the viewers a good show, and it’s working so maraming, maraming salamat kasi kung hindi naman sila nanoood wala kaming extension.

“So more than anything, sila talaga, the credit has to go to them, sa mga viewers.”

Nakapanayam namin si Angelu sa taping ng Buena Familia sa Scout Gandia sa Quezon City.

Dahil sa extension ng show nila, wala bang plano ng pagbabakasyon na nasira?

“Hindi, dahil mabait naman sila, like iyon galing ako ng Japan ng six days. That was in the plan already so basta ahead of time lang wala namang biglaan.”

Noong Janury 17 to 23, nagbakasyon sa Japan sina Angelu at mister niyang si Wowie Rivera at mga kaibigan nila.

“Tatlong couple lang kami. First time with my husband, dati ako, at saka mommy ko, nag-show na kami dun, twice.”

Naging second honeymoon ba nila ni Wowie ang Japan trip nila?

“Hindi puwede,” at tumawa si Angelu, “kasi nagtumipid kami, di ba, so magkakasama kami sa isang house.”

“It was purely for friends, yung grupo naming iyon so… matagal ng naplano yun kaya ano, kaya masaya kasi nga six days kami dun, sinulit talaga naming lahat.”

Panay sightseeing at food trip ang ginawa ng grupo nila sa Japan vacation nila.

Noong January 31 ay apat na taon na ang bunsong anak nina Angelu at Wowie na si Rafa.

Hindi pa ba nila ito susundan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag muna! Ang hirap magpapayat, e,” at muling tumawa si Angelu.

“Sabi ko kailangan may beautification package na ako pagkatapos kong manganak.”

May dalawang anak sa unang relasyon niya si Angelu, sina Nicole seventeen, at Loise, fourteen.

Since nag-iisang anak na lalaki nila ni Wowie si Rafa, paborito ba nila ito?

“Favorite in a sense kasi siya yung pinaka-youngest, only boy. Siya yung mas kailangan ng attention amongst the rest, ganyan.

“At saka parang, pag sinasabi ko nga, sayang kasi nung mga panahon nila [the two girls] walang Instagram, walang Facebook, e, di sana sila yung laman ng… dati sila ang laman ng film ko,” at tumawa si Angelu.

Noon nga kasi ay puro picture-taking sa ordinaryong kamera ang uso at hindi uploading ng larawan sa social media.



SLIGHT TENSION. Hindi ba nakakaramdam ang dalawang anak niyang babae ng pagtatampo na mas nakafocus ang attention nila sa bunso nilang anak?

“I don’t think so. Nagkaroon, there was a time, kasi si Wowie may isa pang anak [also from a previous relationship], di ba? Si Renzo who’s twelve years old now.

“So nagkaroon ng konting… how do you say it?”

Tension?

“Tension ng atensyon? Actually with my second girl kasi naging parang all of a sudden naging middle child siya, e, si Loise. Ganun, pero sandali lang.

“It was just a matter of explaining and you know, changing whatever needs to be changed. Kasi siyempre nung kinasal kami, yung dalawang girls sa amin nakatira, si Renzo yung hindi nakatira sa amin, so every weekends lang siya.”

Si Renzo ay sa ina nito nakatira.

“So siyempre biglang ‘pag nagkakaroon ng time na pupunta yung si Renzo, naiiba yung plano namin, yung ganun lang.

“So parang ganun lang, bakit kailangang magbago, hanggang naayos naman,” ang nakangiting pagtatapos ni Angelu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN