Did Enrique Gil get jealous of Liza Soberano's co-star Matteo Guidicelli?

Matteo Guidicelli (left) witnessed the constant communication between Liza Soberano and Enrique Gil (right) during their 10-day taping in Italy.



Para kay Matteo Guidicelli, mas maganda kung totoong pinagselosan nga siya ni Enrique Gil dahil sa sampung araw na magkasama sila ni Liza Soberano sa Italy para sa ABS-CBN teleserye na Dolce Amore.

Sa interview ng PEP.ph at Cinema News sa aktor sa presscon ng Dolce Amore kagabi, ito raw kasi ay patunay na epektibo niyang nagampanan ang role bilang third wheel sa relasyon nila Enrique at Liza sa istorya.

"Sana nga mayroon [selos] para ibig sabihin effective ang acting ko pero wala.

"Ang role ko kasi dito ang ganda, best friend kami ni Liza, sobrang comfortable kami sa isa’t-isa ni Serena, yung character niya.

"Maganda yung relationship namin ni Serena, sobrang close kami, sobrang happy kami until the day na nalaman niya na may marriage arrangement kami kaya umalis siya."

Ayon kay Matteo maging siya ay kinikilig  sa nakikita niyang closeness at sweetness ng dalawa. Kuwento ng akor ay saksi siya sa palaging pag-uusap nina Liza at Enrique via Facetime.

“They are very, very nice, full of positivities sa kanilang dalawa. Nakakakilig sila, nakaka-good vibes kumbaga. Sobrang astig nilang dalawa, they just laughed and they just have a good time together. I think that’s one of the most important things in a relationship, just have good vibes.

"Oo binibiro ko nga, e, pero totoo di naman 'yan, parati silang nag-uusap, Facetime and text. Sweet naman and nakaka-inspire. It’s nice to see young artists together end up together."

Huling napanood si Matteo sa Kapamilya primetime teleserye na Agua Bendita kung saan siya ang kapareha ni Andi Eigenman.

Masayang-masaya ang Filipino-Italian actor na maging parte ng Dolce Amore lalo’t malapit sa puso niya ang karakter na ginagampanan. Matteo ay ipinanganak sa Cebu at ang tatay niya ay isang Italian.

Sa Dolce Amore, ang karakter niya ay si Giancarlo, ang best friend ni Serena na dapat sana ay pakakasalan niya dahil sa arranged marriage na inayos ng kanilang magulang.

"Very nice, sobrang blessing itong project na ito, ang tagal ko nang nawala sa primetime, the last time was Agua Bendita [aired in 2010].

"Sobrang close sa akin yung character kasi Italyano siya and sobrang close sa puso ko kasi nag-shoot kami sa Italy and nakikita ko yung Italian culture namin, yung sa Lolo ko, sa family ko.

"Yung umpisa namin ni Liza sa Italy talaga, actually lahat ng eksena ko nasa Italy dahil Italyano ako and based sa Italy. Nagsasalita ako ng Italian, lahat."

Ano ang adjustment na ginawa niya para sa Dolce Amore?

"Adjustments? Wala naman, it’s always different working with different directors, different artists.

"One of the reasons why I said yes to this project was because una nasa Italy kami, second si Direk Cathy Garcia-Molina,  talagang nag-close sa isip ko when I asked 'Who is the director?' They said, 'Si Direk Cathy.' 'Okay, let’s do it.'

"Si Direk Cathy is the reason why I did this project and Direk Mae [Alviar] also. Direk Cathy is one director I really dream to work with.”
 
Agad naming tinanong si Matteo kung hindi ba siya natatakot na ma-bash ng mga LizQuen fans dahil siya nga ang third wheel sa love story ng dalawa sa istroya.

“Astig nga nila. Sobrang laki ng grupo nila pero nung nag-post ako ng pictures namin ni Liza, sobrang bait nilang lahat. Sila mismo ang nag-welcome sa akin, 'Matteo, welcome to the Lizquen family, welcome to this, welcome to that.'

"Maraming salamat sa kanilang lahat, sana mag-enjoy sila sa soap na ito.

Maging ang mga AshMatt (Sarah Geronimo-Matteo) fans pala ay masaya sa karakter na gagampanan ni Matteo sa Dolce Amore.

“Okay naman, I think they’re very happy that I have a primetime bida soap and now it’s with LizQuen. They are very supportive fans."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN