Xian Lim and Kim Chiu to do love scenes in The Story of Us

Excited na si Xian Lim na muling maktrabaho sa telebisyon ang kanyang ka-love team na si Kim Chiu. Nakatakdang ipapalabas ang teleseryeng pagsasamahan nila na The Story of Us sa katapusan ng Pebrero.



Pagkatapos ng halos tatlong taon na hindi napanood sa telebisyon ang tambalang Xian Lim at Kim Chiu, muli silang magsasama para sa upcoming ABS-CBN teleserye na The Story of Us.

Huling nagkasama sina Kim at Xian sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak noong taong 2012 hanggang 2013.

Pero, nagkatambal naman sila sa dalawang pelikula: ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo (2013) at Bride For Rent (2014).

Ang tambalan nila ay mas nakilala sa tawag na KimXi.

Kuwento ni Xian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Una sa lahat maraming sa lahat ng mga sumusuporta sa amin [KimXi] at hindi kayo bumitiw, matagal na two years ago pa yung last namin ni Kim na nakita sa [isang proyekto] and it’s something na finally ito po yung hinihintay ninyo na istorya.”

Ang The Story of Us ang papalit sa timeslot na babakantehin ng On The Wings Of Love.

Ano ba ang kuwento ng The Story of Us?

Kuwento ng 27-year-old actor, “Istorya po ito ni Tin at Makoy, and it revolves around the love story between them.

“Paano nga ba nila iki-keep nila yung love story na 'yan kung iba’t-ibang priorities sa buhay ang pumasok na sa kanilang mundo.”

Romance-drama ang genre ng The Story of Us at magli-level up na rin daw ang kanilang mga characters dito.

May love scenes ba sila dito?

Aniya, “Abangan niyo… and this is of course, this is for me a mature role for me and Kim yun nga po mayroon po kaming mga yun… mga eksena pong ganun.”


Para mag-prepare para sa kanilang teleserye na partly shot in Palawan, nag-aral ng skin diving sina Kim at Xian.

(Read: Xian Lim and Kim Chiu study skin diving for teleserye; Kim refers to Xian as Mr. Abs)



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN