Ian Veneracion on difficulty of shooting love scene with Jodi Sta. Maria: "We connected na emotionally..."



Bukod sa tambalang Kathniel, ang AmorAdo love team ang isa pang inaabangan sa ABS-CBN teleserye na Pangako Sa 'Yo. 

Amor at Eduardo ang pangalan ng mga karakter na ginagampanan nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion.

Ito ay sa kabila ng bukas naman sa publiko na masaya sa kanyang buhay may-asawa si Ian at pribado ang relasyon ni Jodi kay Vice Governor Jolo Revilla.

Sa general press con, tinanong ang mga cast members tungkol sa memorable scenes na ginawa nila para sa PSY.

"Love scenes are always memorable," ani Ian.

"Pero yun din po yung pinakamahirap na i-shoot na eksena. For example, kami ni Jodi, we connected na emotionally before the show started so parang nahihiya ako sa kanya, baka isipin nagte-take advantage ka."

Sa thanksgiving presscon ng Pangako Sa 'Yo kagabi sa 9501 restaurant sa ELJ building ng ABS-CBN, agad naming tinanong si Ian kung hindi ba nakaramdam ng selos kahit kailan ang kanyang asawa dahil sa matinding chemistry na nakikita sa kanila ni Jodi onscreen?

“Never, she’s a very confident person and she knows Jodi. Na-meet niya ng personal si Jodi, nakilala niya si Jodi at kilala naman niya ako kung gaano ako ka-professional sa trabaho ko at alam niyang mahal na mahal ko siya.”
 
Ayon pa kay Ian ay masaya raw ang kanyang asawa na maganda ang tinatakbo ng kanyang showbiz career sa ngayon.

“She's very happy, siyempre when I’m happy, she’s happy. Pag nakikita niya na bored ako sa buhay ko, siyempre nag-aaalala siya. Sa ngayon masaya siya kasi nakikita niya na masaya ako sa trabaho, nage-enjoy ako sa mga kasama ko sa trabaho."
 
Nang kumustahin naman naming ang samahan nila ni Jodi, kinuwento sa amin ni Ian na magkaibigan talaga sila ng aktres kung kaya’t kahit sa simula pa lang ay kumportable na sila sa isa’t-isa.

“We’re really good friends, we’re really comfortable telling to each other personal stuff. I guess yun ang nakikita nila sa chemistry namin.”

“No, actually sa simula pa lang kumportable na kami, we worked together before. Tapos workshops pa, exercises, para walang ilangan. Pgadating sa taping, reading-ready kami for our characters.”
 
Bilang isa sa mga in demand leading men ngayon sa Kapamilya Network, paano ba hina-handle ni Ian ang mga temptasyon ng ibang mga babae na nagbibigay ng motibo sa kanya?

“Wala lang, siguro I just treat it as work. Yung sinusubaybayan naman nila is si Eduardo pero ako as Ian the person is different from Ian the actor. Di ko naman inuuwi sa bahay yung trabaho ko, sobrang simple lang ako na tao."
 
Ngayong magtatapos na ang Pangako Sa 'Yo sa February 12, aminado ang aktor na nakakaramdam siya ng lungkot dahil naging pamilya na niya ang ibang cast members ng nasabing teleserye.

“Siyempre looking forward to bakasyon pero at the same time malungkot because naging family na kami, yung buong show. We’ve been working almost everyday for more than a year."
 
Para kay Ian ay napaka-memorable sa kanya na siya ang gumanap ng role bilang Eduardo Buenavista dahil napakalaki ng binago nito sa kanyang showbiz career. Hindi rin inaasahan ni Ian na tatanggapin ng publiko ang tambalan nila ni Jodi.

“Marami, bago kami nag-start ng taping nag-birthday ako, 40th birthday ko, ngayon naniniwala ako that life begins at forty. Ang daming unexpected na changes.”

“Totally unexpected. Nakakataba ng puso dahil ang daming sumubaybay sa istorya namin.”
 
Tinanong din naming si Ian na sa pagtatapos ng PSY ay may nakalinya na ba siyang susunod na teleseryeng gagawin.

“Wala pa ako dun, hindi ko pa naiisip, di pa namin napag-uusapan. Sobrang di ko alam, di ko talaga, di ko masasagot sa ngayon.

"Looking forward din ako to rest after Pangako kasi grabe, grabe kami magtrabaho, puyatan ng todo-todo kaya magbabakasyon muna ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN