Does Karla Estrada have package deal contract with Daniel Padilla?



Nagsimula na si Karla Estrada para sa bago niyang TV show para sa ABS-CBN Digital Box channel na Cine Mo, ang sitcom na Funny Ka, Pare Ko directed by Jon Red.

Kasama ni Karla sa bagong show sina Bayani Agbayani at ang mga sumali sa Funny One contest ng It’s Showtime.

“It’s under Sky Cable, sa black box nila. So, maga-avail kayo ng black box pero ipapalabas din siya sa Sky Cable,” panimula ni Karla.

Bakit hindi mismo sa ABS-CBN?

“Kasi atin din yun, e. So, prino-promote natin yung black box na yun. So, i-imagine mo yung libu-libong nai-stranded sa traffic? Dala-dala nila yung black box?  So, ang saya, mapapanood tayo.

“E, of course kung ilalagay man sa main channel for me masaya ako kasi kami yung first. Kumbaga, alma mater natin na bagong sitcom, pinakauna sa Cine Mo.

“First show sa Cine Mo, yes! At masaya ‘to kasi super nakakatawa si Bayani Agbayani at yung mga Funny One contestants. So, talagang nakakatuwa ‘to dahil talagang grabe yung katatawanan dito.”

Ano ang role niya sa sitcom?

“Asawa ako ni Bayani Agbayani. Kaming dalawa yung main and then si Ryan Rems, yung champion natin sa Funny One [contest] ng It’s Showtime.

“Boarder siya doon sa carinderia ko. Kami ni Bayani yung may-ari. Yung mga kamag-anak niya pinatira niya sa bahay namin. Tapos siksikan sa isang kwarto. Yung tipikal na ano, parang Cafeteria Aroma noong araw, oo.

“Tapos meron tayong tricycle drivers, oo, masang-masa. Basta yung mga taga-Funny One kasi surprisingly, hindi naman sila mga artista, di ba? Pero nakakatawa.

“Minsan talaga kung ano yung natural mas nakakatawa, e. Hindi na nga namin sinusunod ang buong script. Alam mo naman ako ang dami kong baon na pang-ano, adlib, di ba? Pero siyempre, bait-baitan kami rito. Hehe.

“Hindi naman kami, hindi ko naman sinasabing salbahe kami sa totoong buhay, 'no. Yung bait-baitan pero hindi katulad ko na ang hilig kong mag-alaska, ang hilig kong mang-bwisit.

“Dito talagang hirap na hirap ako. Yung talagang, ‘Sige, ipagluluto kita, ha.’ Pero sa likod ng utak ko, ‘Lalagyan ko ng lason,’ ganyan. May ganoon.”

May anak ba sila ni Bayani sa show?

“Oo, may anak kami diyan. I think first time rin yung bata na lalabas na anak namin ni Bayani. Someone na bagong artista dapat.

“Pati ako, dapat wala yung Karla na personality ko  diyan.

“Pero nakakatawa kasi meron kami ni Bayani na mga, sobrang bait niya, kaming mag-asawa. Tapos meron akog mga sobrang bait [na linya tulad ng], ‘Malapit na tayo kay Jesus.’

"Meron kaming mga hirit na talagang kami rin yun, yung baklang-bakla.”

Nakikipagpalisahan ba siya kay Daniel Padilla sa paramihan ng show sa ABS-CBN?

“Hindi naman,” natatawang sagot ni Karla.

“Magkaiba naman kami halos.

“E, ako ba? Nananahimik naman ako. E, kung natuwa-tuwa naman ang mga boss natin, e, ‘di salamat.

“Siyempre, ayaw ko namang ipagdamot yung gusto nilang makita at mai-share ko pa, di ba? Hindi naman ‘to alam ng mga tao, e. Ngayon lang nga nila nakita, e, na natuwa naman sila.

“Hindi nila alam noong una na singer ako. At least ngayon, nage-enjoy sila, and gusto ko ring i-enjoy yung ganyan, naghu-hurado ka, and at the same time nakakahirit ka ng, kasi gusto ko rin yun, e. Paano ka ba nagustuhan?  Kasi yung pagiging totoong tao mo.

“So, kapag lumabas ka sa TV, hahanapin ng mga tao ‘yan, ‘Ay, hindi naman si Karla ‘yan?’ ‘Asan yung Karla?’

“So, ayokong maging iba ‘yan.  Kung ano yung nagustuhan nila, syempre yun ang gusto nilang makita.”

Ano ang nararamdaman niya thinking na kung kailan malalaki na ang mga anak niya busing-busy din siya with her own career sa showbiz?

“Oo, ganoon naman yata talaga, e,” ngiti niya.

“Ganoon naman ata talaga. Pero siyempre, oo, lahat naman ‘to ang inumpisahan ay yung pamumukadkad ng career ni Daniel.

“So, siyempre nandidiyan ako bilang nagbabantay sa kanya. People has been always curious about me, di ba? Parang, [tinatanong nila] 'Nasaan na ba yung Karla Estrada?’

“Pero wala talagang paraan para makalabas ako. At ngayon, siyempre yung Padilla pa na family name. So, yung curiosity ng mga tao lumaki nang lumaki.

“Ako, kahit saan ako makarating hanggang ngayon, kunyari ibang bansa ganito lang, ‘That’s the mom of Daniel Padilla,’ ganoon. Still, di ba.

“Tapos ngayon sasabihin nila, ‘Mother Queen ‘yan di ba?’ Sabi ko, ‘Hindi Mother Queen kasi palaman yun. Queen Mother.’ Kasi Queen Mother pala yun, e, di ba?”

Package deal ba ang kontrata nila ni Daniel sa ABS-CBN?

“Actually, si Daniel lang ang may kontrata dito. Ako, parating pa lang. Bibigyan pa lang nila ako. Pero wala pa.

“But ever since naman, oo kinukuha nila ako sa mga show din ni Daniel kasi madalas nakikita kami laging magkasama. Sumasama lang ako noon. Nagtatrabaho lang ako ng sarili.”

Saan napupunta ang talent fee niya?

“Naku, ang TF ko wala. Eto yung panghulog sa sasakyan ko monthly, kuryente.”

Sariling kita niya ang pinambabayad niya sa monthly bills nila?

“Hindi, amin ni DJ. Hiyang-hiya naman ako sa pera niya. Hinahalo ko na doon. Hahaha! 

“Mamaya sabihin niya, ‘Oy, Ma bakit ang konti lang nung sa ’yo?’ Walang ganon. Hahaha!

“Isa lang kami ng ano, joint [account] lang naman kami.

“Ang nakalabas lang naman ay yung pang-monthly, e. Yung mga pang-errands, yung ganito. Lahat yun nasa savings.”



UPCOMING MOVIES. Matatapos na ang Pangako Sa ‘Yo nina Daniel at Kathryn Bernardo sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Ano ang unang gagawin ni Daniel, pelikula o bagong teleserye?

“Ang alam ko meron silang bagong movie, tatlo this year.

“Ang una pa lang ang alam ko, yung Kathniel saka yung Vice Ganda and Daniel for Metro Manila Film Fest.

“‘Yung sa gitna hindi ko pa sure kung may Sharon Cuneta and Daniel? Wala pang mga confirmation, ha.

“Sorry ha. Baka bawal ko pang sabihin."

Ano ang title ng bagong movie nina Daniel at Kathleen?

“Ay wala pa. Iuupo pa ‘yan lahat after ng taping nila ng Pangako. Kasi ngayon hindi sila maistorbo dahil araw-araw ang taping nila ng Pangako. Tinatapos na, e.

“Oo, kasi sila lang naman ang nag-taping ng six months na tuluy-tuloy. So, minsan kahit gaano kataas ang ratings, kailangan na talagang tapusin.

“Napapagod na rin ang mga artista. Pero happy, tama na rin, di ba?”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN