Jodi Sta. Maria gives credit to leading men for success of her showbiz career



Isang magandang karanasan para kay Jodi Sta. Maria ang makatrabaho ang tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na gumanap bilang Yna at Angelo sa Pangako Sa 'Yo.

Kuwento ni Jodi, “Nakakatuwa, kasi napakagaan nilang katrabaho, very professional sila.

“Pag dumating sila sa set, talagang they know what they are doing—they know their lines, masarap silang ka-eksena.

“Di sila yung nagsasarili. Kumbaga, nagbibigay din sila as actors.”

Siniguro ng aktres na sa natitirang isang linggo ng Pangako Sa 'Yo ay maraming dapat abangan ang mga manonood.

Pahayag niya, “Ang aabangan nila ay yung mga bagay inakala nila na alam nila about the show pero hindi.

“Ibang ending pala, ibang twists pala so yun ang dapat abangan. Mga bagay na di inakala, di inasahan.”


THANKFUL FOR SUPPORTIVE LEADING MEN. Masasabing sumikat nang husto si Jodi nang gampanan niya ang role ni Maya sa teleseryeng Be Careful With My Heart at Amor Powers sa Pangako Sa 'Yo.

Para sa aktres, malaking tulong sa anumang tagumpay niya ngayon ang mga naging leading men gaya nina Richard Yap at Ian Veneracion.

Pagpapasalamat niya, “I would say that I am blessed to be partnered with co-actors na talaga namang cooperative and very supportive.

“I will not give credit to myself, but I will say na nagwu-work yung partnership or yung tandem kung sinuman ang nakakapareha ko because of collaboration and team work.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN