Marian Rivera was only choice for Ynang Reyna role in Encantadia

Marian Rivera is cast as Ynang Reyna in the 2016 version of Encantadia. She says she will have a project with her husband Dingdong Dantes but did not disclose specific details. 



Sa 2016 version ng Encantadia, si Marian Rivera ang gaganap na Ynang Reyna na unang ginampanan ni Dawn Zulueta.

Ito ang magsisilbing pagbabalik ng Kapuso Primetime Queen sa telebisyon pagkatapos nitong manganak sa anak nila ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia Gracia Dantes noong November 23, 2016.

Bukod dito, inaabangan rin ang pagbabalik niya sa Sunday PinaSaya ngayong Linggo, February 21.

Nagkaroon rin ng announcement na magkakaroon si Marian ng daily talk show sa GMA-7. 
 
Ang papel na Ynang Reyna ay dating ginampanan ni Dawn Zulueta, pero matatandaan na maikli lang ito at talagang special role lang.
 
Sa press confence na ginanap kahapon sa GMA Network office, tinanong namin ang ilang executives ng ETV-Drama kung paano nila nakumbinse si Marian at ang management nito (ang Triple A) na tanggapin ang role na Ynang Reyna.
 
Ang sumagot sa tanong namin ay ang Vice President for Drama na si Ms. Redgie Magno.
 
Ayon sa kanya, “Actually, noong nag-iisip kami kung sino ang ika-cast na Ynang Reyna, wala talaga kaming maisip kung hindi si Marian. Pero nagdadalawang-isip kami kasi nga, hindi pa siya puwedeng mag-taping ng magdamagan.
 
“Yung creative team naman, inayos naman in such a way, tama yung sinasabi ni Marian na kinu-consider rin kung ano ang kaya niyang gawin. So siyempre, ang una kong tinawagan, si Rams [David].  Pakiramdaman mo naman si Marian kung payag siyang gawin yun which is, a very good role.
 
“Tapos, hindi naman siya bugbog sa taping.
 
“Tapos, maganda rin, ang Encantadia is the biggest project of the network this year.  Kaming lahat, convinced kami na walang ibang puwedeng maging Ynang Reyna kung hindi siya.
 
“Sabi naman ni Rams, sige papakiramdaman ko. Tapos yun, lahat kami nakaabang kung ano ang sagot. Tapos sinabi na ni Rams sa akin na may good news ako sa ‘yo. Tapos, nireport din namin sa top management na okay na si Marian.”
 
Noong isang taon pa nga nababalita ang pagre-remake muli ng Encantadia. May mga larawan na rin na lumalabas ngayon na diumano’y mga napiling bagong cast na gaganap na mga Sangre at mga leading men nila.
 
Pero hanggang ngayon, wala pa rin linaw kung kailan talaga ito magsisimulang mapanood.
 
Ang Senior Vice President for Entertainment TV na si Ms. Lilybeth Rasonable naman ang sumagot sa bagay na ito.
 
Ayon dito, “Marami pang binubuo, e.  Masalimuot. We'll announce when we are ready and we will air when we are ready because it’s a very difficult show as you know kaya ayaw naming madaliin.”
 
Sa huli, si Marian naman ang hiningan namin ng reaksiyon kung ano nga ba ang pakiramdam niya na sa pagbabalik niya, tila ipinaramdam talaga sa kanya ng network na siya talaga ang Reyna.
 
Hiningi rin ang reaction niya sa pahayag na siya lang talaga ang nakikita nilang bagay na gumanap sa papel na Inang Reyna sa Encantadia.
 
“Alam niyo, palagi kong sinasabi na ang title na Primetime Queen, Ynang Reyna, masarap sa kalooban ‘yan at binibigay ng network ‘yan," pag-amin ni Marian. 

"Pero ang mas masarap diyan, yung kapag nakikita ka ng tao sa telebisyon at kung anong ligaya ba ang nakukuha nila sa akin, yun ang pinakamahalaga para sa akin kaya dun ako sa mas marami pang napapaligaya at mas masaya sila kapag nakikita ko.
 
“Ang title na ‘yan, nagpapasalamat ako riyan. Pero ‘yan, e, titulo lamang. Pero ang importante riyan, kung ano ka para sa tao at ano ang naibibigay mo para sa kanila.”
 
Maraming fans nila ng kanyang mister na si Dingdong Dantes ang nagtatanong kung kailan sila mapapanood na magkasamang muli sa isang proyekto.
 
Posible bang mapanood na nga silang muli sa isang proyekto sa pagbabalik niya?
 
Nangiti muna si Marian at saka sinabing, “Hindi ko masabi…
 
“Well, meron kaming pagsasamahan pero siguro, wala sa akin ang posisyon para magsabi kung ano yun, pero meron.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN