Director on OTWOL stars Jadine: "Nung umpisa makikita mo naman talaga yung closeness nila."

On The Wings of Love director Antoinette Jadaone (right) hints about bittersweet ending for OTWOL (starring James Reid and Nadine Lustre, left frame) on February 26: "Kung magdurugo, hindi naman siguro magdurugo, pero ito yung ending na nadarapat para sa love story nila. Hindi ito yung ending na gagawin lang dahil ito ang gusto ng mga tao, pero ito yung ending na nararapat."



Naging matunog ang bali-balita na may espesyal na relasyon na namamagitan ngayon kina James Reid at Nadine Lustre higit pa sa pagiging magkaibigan at magka-loveteam nila.

Naging viral sa social media ang larawan ng dalawa na magkahawak ng kamay habang natutulog at magkatabi sa eroplano, at sinundan pa ito ng larawan nila nung nakaraang Valentine’s Day na magkasamang namimili sa isang mall.

Sa thanksgiving presscon para sa pagtatapos ng On The Wings of Love (OTWOL) sa February 26, marami ang nakapansin ng kakaibang kilos at tinginan ng dalawa na lalong nagpatibay sa espekulasyon ng maraming tao.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Antoinette Jadaone, isa sa mga direktor ng OTWOL, agad naming tinanong kung may napapansin ba siyang kakaiba sa kinikilos nila James at Nadine at kung naniniwala ba siya na may relasyon na nga ang dalawa.

Paliwanag niya, “Kasi natural talaga sa isang show na pagkamatagal na you become close to people you got to work with.

“Laging everyday kasama mo. Pag sa teleserye nagiging family talaga kayo.

“Nung umpisa makikita mo naman talaga yung closeness nila.

“Nandun na, pero ngayon, feeling ko they become more of partners talaga.

“As in they are doing this together. Kumbaga, when they’re in a scene, they discuss as Clark and Leah.

“Away? May ganun pero mga professionals naman sila, di nila nahahalo.”


HARMONIOUS WORKING RELATIONSHIP. Nang kumustahin naman namin ang working relationship niya kina James at Nadine, para kay Direk Tonette ay bumabalik siya sa pagiging teenager.

Sabi niya, “Yung energy kasi nila very youthful.

“Parang every taping day, it’s like going back to the time when you had your first love, parang ganun. It’s like falling in love again every single day.”

Sa pagtatapos ng On The Wings of Love, aminado si Direk Tonette na na-enjoy niya ang kauna-unahang teleseryeng ginawa.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENDING. Tinanong din namin si Direk Tonette kung sad ending ba ang mangyayari, dahil sa sinabi sa presscon proper na ang ending na ibibigay nila sa publiko ay ang nararapat sa istorya nina Clark at Leah.

Pahayag niya, “Bittersweet siya, kasi parang seven months siya na mukhang ang tagal, pero ang bilis lang talaga niya.

“Ang bilis niyang nagawa, ang bilis niyang natapos, so hayun.

“Kung magdurugo, hindi naman siguro magdurugo, pero ito yung ending na nadarapat para sa love story nila.

“Hindi ito yung ending na gagawin lang dahil ito ang gusto ng mga tao, pero ito yung ending na nararapat.

“Ito yung tamang ending, whether they like it or not.

“Na-enjoy ko na siya, sa umpisa kasi nape-pressure ako kaya di ako sobrang passionately happy from the start kasi nagpapadala ako sa pressure.

“Nape-pressure ako na baka di kagatin.

“Parang okay na silang love team, it can only be my fault, the director’s fault if it doesn’t work out.

“Nagpadala ako sa pressure ng ratings, but they assured me and when we saw the viral tweets, maganda naman yung feedback.

“Di namin in-expect na magkakaroon ng kulturang OTWOL.”


MORE TV DIRECTING JOBS? Agad naming tinanong si Direk Tonette kung ang OTWOL ba ang simula ng pagtanggap niya ng susunod na teleserye?

Mabilis niyang pagkumpirma, “Yes, okay ako.

“Ngayon, gagawin ko yung project dahil gusto ko siyang gawin hindi dahil TV siya or movie siya.

“Feeling ko ganun lang dapat, if you like the story.

“Kasi itong On The Wings, I like the story, I like their love team talaga from the start.”


DREAM LOVE TEAM. Kung mabibigyan ng pagkakataon, sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos daw ang susunod na gustong makatrabaho ni Direk Tonette.

Para sa kanya, ay ito pa rin ang pinakanangungunang love team sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Direk Tonette, “Piolo-Juday.

“Fan ako nila Piolo at Juday ever since.

“Sila yung ultimate loveteam ko, wala pang nakatalo sa kanila.

“Di pa natalo ng Bea [Alonzo]-John Lloyd [Cruz], John Lloyd-Sarah [Geronimo].”


DIFFERENCE BETWEEN DIRECTING FOR MOVIES AND TV. Unang nakilala si Direk Tonette sa pelikulang That Thing Called Tadhana na naging isang blockbuster.

Kahit matagal nang bukambibig ng direktor ang kanyang passion sa paggawa ng pelikula, inamin naman niyang nagugustuhan na rin niya ang paggawa ng mga telerye.

Pag-aanalisa niya, “Sa serye kasi, I think it will be your life for a longer time.

“I think, sa movie kasi, iba kasi talaga ang love ko. Doon talaga ako, yung passion ko nandun.

“Sa TV kasi, the hirap is everyday but the reward is also everyday

“Kasi every night you get to see the reaction of the people.

“Yung isa, delayed gratification—nakikita mo lang yung rewards, you reap the rewards, the comments after nung movie.

“Pero ito [directing for TV], you’re always on your toes, 'Nagawa ko ba nang tama?' 'Tama ba yung acting na ginagawa namin?'

“Parang it gives you a different kind of high.”


LOVE LIFE. Bukas na aklat ang relasyon ni Direk Tonette sa kapwa direktor niyang si Direk Dan Villegas, na maganda rin ang tinatakbo ng directorial career sa ngayon.

May panahon pa raw kaya sa isa’t isa sina Direk Tonette at Direk Dan at sa magandang tinatakbo ng relasyon nila? At nasa plano na ba nila ang pagpapakasal?

Aniya, “Hindi naman, kasi nasa Manila lang naman kami pareho. Nagagawan naman ng paraan.

“Sobrang happy, kasi di naman namin ito na-plan...

“Di namin in-expect, lalo ako.

“Ano ako, one project at a time.

“Di ko in-expect na last 2015, gagawa ako ng teleserye.

“Si Dan ang mas nakaplano. Kung may mabigay sa akin, thank you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasal? Wala pang kongkretong plano.

“Ako kasi, di ako maplanong tao.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN