Julie Anne San Jose admits good working relationship with Alden Richards

Julie Anne San Jose feels ecstatic about the second extension of their GMA-7 teleserye, Buena Familia: "Kasi a few weeks ago, nag-announce po sila na extended nga po ulit. And then kahapon, sinabi po ulit na extended po ulit for another week or two weeks yata ulit."




Ikinatuwa ni Julie Anne San Jose na extended ang Buena Familia kunsaan kasama siya bilang isa sa main cast members.

Sabi niya, “Kasi a few weeks ago, nag-announce po sila na extended nga po ulit.

And then kahapon, sinabi po ulit na extended po ulit for another week or two weeks yata ulit.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa taping ng Buena Familia sa Scout Gandia St. sa Quezon City January 25.


HAPPY BONDING MOMENTS WITH CAST. Sino ang pinaka nakaka-bonding Julie Anne sa set ng Buena Familia?

Sagot niya, “Lahat, lahat! Kasi sobrang tight po ng bond namin together, so?

Siyempre po si Tita Angelu, si Tito Bobby.”

Gumaganap na mga magulang ni Julie Anne as Darling Buena sina Angelu de Leon (bilang si Bettina Buena) at Bobby Andrews (bilang si Arthur Buena) sa nabanggit na GMA drama series.

“Saka si Tita Tessie, naku sobrang kulit!”

Si Tessie Tomas ay gumaganap sa show bilang si Marissa Agravante.

Tapos iyong Buena siblings.

Ayun, kami nina Kylie [Padilla] 'tsaka ni Julian [Trono], basta may kanya-kanya po kaming trip...

Pero at the same time, talagang nandun, nakikita yung closeness namin not as co-workers pero parang turing talaga namin sa isa't isa ay pamilya,?? pagmamalaki niya.


KYLIE-JULIAN RUMOR. Speaking of siblings, natsitsismis sina Kylie at Julian na may relasyon, kahit na nga magkapatid ang role ng dalawa (bilang sina Celine at Edwin, respectively).

Ano ba sa tingin niya, mag-on nga ba ang dalawa?

Saad niya, “Well, I don't know, kasi bihira din kaming...kasi minsan magkakahiwalay kami ng dressing room, tapos sila Kylie, si Julian...

I think they're okay, they're doing okay.”

Kung magkakaroon ng relasyon ang dalawa, ikatutuwa ba iyon ni Julie Anne?

Pahayag niya, “Of course, I'll be happy. I'll be happy if ever that happens.

Pero sa ngayon kasi nakikita ko si Kylie sobrang focused siya sa trabaho,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag trabaho, trabaho talaga. And si Julian ganun din siya.

As long as masaya sila, iyon. Kung saan sila masaya, susuporta naman ako.”


ALL'S WELL WITH ALDEN. Sina Julie Anne at Alden Richards ay magkasama sa Sunday PinaSaya.

Kumusta ang working relationship nila ni Alden?

Okay naman po, okay naman po kami,” bulalas ni Julie Anne.

Mas okay sila ngayon kaysa noon?

“Yes! I mean, wala pong isyu.

“I mean, tapus na tapos na po yung isyu so wala pong dapat bigyan ng kahulugan, dahil tapus na tapos na po yung isyu.

Matatandaang ilang taon na ang nakalilipas ay nagkaroon ng gap sina Julie Anne at Alden.

Masasabi ba ni Julie Anne na dahil nagkasama sila ni Alden sa Sunday PinaSaya at nagkaayos silang dalawa ay tila nabunutan sila ng tinik sa dibdib?

Paglinaw niya, “Well, kasi ako naman po, I don't want any grievances or grudges with other people.

So as much as possible I try to be casual, to be civil lang.

And talaga kapagka nasa Sunday PinaSaya ka, trabaho is trabaho. So wala pong halong personalan.”


MEETING MAINE. Nagkakilala na sila ni Maine Mendoza o Yaya Dub na ka-loveteam ngayon ni Alden.

Nagkausap na nga raw sila.

Aniya, “Nagkaroon po kami ng chance before.”

Ano ang pinag-usapan nila ni Maine?

Parang ano lang, batian lang po, ganun.”

Hindi naman daw sila nagtsikahan nang todo ni Maine.

Panghihinayang niya, “Wala din po kasi chance, e.

Kasi busy po si Maine, busy din po ako so wala pong chance.”

Hindi rin daw sila nakapagpa-litrato ni Maine na magkasama.


NOT RATINGS-CONSCIOUS. Hiningan naman namin ng reaksyon si Julie Anne na consistent top-rater ang Sunday PinaSaya, na maraming pagkakataon na tinatalo nila ang mga katapat nitong programa sa ibang istasyon.

Paliwanag ni Julie Anne, “Hindi naman po namin... wala pong... for me ha? Ayaw po namin kasi na may rivalry or may competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never naman pong mawawala, pero kasi hindi po kasi namin binibigyan ng pansin yun, e.

Kasi ang importante po, every Sunday nagbibigay-saya po kami sa mga tao.

Ang importante naman po, napapasaya namin sila, e.

Iyon naman po talaga ang importante.”


NEW ALBUM. Magkakaroon ng bagong album si Julie Anne this year.

Ine-expect na ba niya na tulad ng Deeper album niya ay triple platinum rin ang bago niyang album?

??Wala po akong ine-expect! Basta po gagawa po ako ng mga kanta para po sa mga taong sumuporta po sa akin,” pahabol pa ng Kapuso singer-actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN