John Arcilla relishes status as in-demand actor after Heneral Luna's success

John Arcilla enjoys his comedy role in GMA-7's new teleserye, That's My Amboy: "Natuto na rin ako sa comic timing. Nahawa na ako sa pagiging makulit ni Barbie at ng ibang kasama namin."



Pinag-aagawan ngayon ng dalawang TV networks ang award-winning actor na si John Arcilla.

Ang bida ng critically-acclaimed indie film na Heneral Luna ay kasalukuyang nasa GMA-7 primetime teleserye na That’s My Amboy kunsaan gumaganap siya bilang ama ng Kapuso teen actress na si Barbie Forteza.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John sa taping ng That’s My Amboy sa Cities Events Place along Sgt. Esguerra Street in Quezon City, sinabi nito na hindi niya inaasahan na dadagsa ang magandang suwerte sa kanya ngayong taon.

“This is the year I will turn 50 years old.

“I’m just overwhelmed with all that happened last year and this year and most especially this year.

“I’m just enjoying everything that's coming to me. Kumbaga, matagal ko rin itong hinintay,” pag-amin niya.


OFFER FROM KAPAMILYA NETWORK. Kahit na ongoing pa rin ang teleseryeng That’s My Amboy, isinama rin si John sa cast ng bagong teleserye ng ABS-CBN na The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Sa February 29 na raw ang airing nito.

“After I did Oh My G, nabanggit na nila sa akin ‘yang teleserye.

“Pero natanggap ko na itong That’s My Amboy and nag-start na akong mag-taping.

“Sabi naman nila na hihintayin daw nila ako, kasi gusto ko nilang kasama ako sa teleserye nila.

“Pero ang alam ko ay hanggang May pa itong That’s My Amboy. Committed na ako dito.

“Ewan ko na lang kung papalitan nila ako or maghihintay sila.

“But right now, I’m enjoying doing That’s My Amboy kasi it’s a good breather for me to do a rom-com teleserye since puro mabibigat na roles ang ginagawa natin.

“I love working with the cast kasi ang gagaling nila.

“Natuto na rin ako sa comic timing. Nahawa na ako sa pagiging makulit ni Barbie at ng ibang kasama namin,” pahayag pa ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging suki rin si John sa paglabas sa mga teleserye ng Kapuso network. Ang kauna-unahan niyang drama series ay ang Valiente noong 1992.

Lumabas din siya sa mga teleseryeng Sugo, Boys Nxt Door, Gagambino, Sana Ngayong Pasko, Machete, My Beloved, at Genesis.


DISAPPOINTED. Samantala, nadismaya si John dahil hindi nakapasok bilang nominee sa Foreign Language category ng 88th Academy Awards or the Oscars ang entry ng Pilipinas na Heneral Luna.

Ang mga nakapasok ay Embrace of the Serpent (Colombia); Mustang (France); Son of Saul (Hungary); Theeb (Jordan); at A War (Denmark).

“It was a long shot, pero we were all hoping na mapapansin nila ang Heneral Luna. Unfortunately, hindi tayo muli nakapasok.

“Nakakadismaya pero gano’n talaga. Suwertihan lang siguro.

“Sa tamang panahon, mapapansin din nila ang mga dekalidad na pelikula natin,” diin pa niya.


MORE ACCOLADES FOR HENERAL LUNA. Nagpapasalamat naman si John sa 14th Gawad Tanglaw dahil sa pagbigay sa kanya ng special award, ang Gantimpalang Dr. Jaime G. Ang Presidential Jury Award para sa kanyang pagganap sa pelikulang Heneral Luna.

Ilang linggo lang ang nakaraan ay nagawaran naman si John ng Best Actor award ng 2016 Platinum Stallion Media mula sa Trinity University of Asia.

Nominated naman ang aktor sa 10th Asian Films Awards para rin sa Heneral Luna.

Makakalaban ni John sa category na ito ay ang mga Asian actors na sina Donnie Yen (Ip Man 3 from Hong Kong), Nagase Masatoshi (An from Japan), Feng Xiaogang (Mr. Six from Mainland China), and Lee Byung-Hun (Inside Man from South Korea).

Magaganap ang awards night ng 10th Asian Film Awards on March 17 in Macau.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN