Fabio Ide saddened, upset as Destiny Rose nears ending

Fabio Ide feels sad about the impending ending of their hit series, Destiny Rose: "Kahit pa super mataas ang rating, sabi nila, they have to finish the show because they want to finish na yung rating super high. Siyempre, we understand, pero at the same time, upset."



Hindi maiwasan ni Fabio Ide na malungkot dahil malapit nang magtapos ang panghapong teleserye nila na
Destiny Rose sa GMA-7, sa kabila ng mataas na ratings nito at sa pagtagal nito ng dalawang season.

Ayon kay Fabio nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Destiny Rose sa Windmills and Forest Restaurant sa Quezon City noong February, 17, “We’re just thinking about it. Everybody was talking kanina, lahat medyo malungkot.

“May tatlong taping days pa, then after that, wala na.

“Kahit pa super mataas ang rating, sabi nila, they have to finish the show because they want to finish na yung rating super high.

“Siyempre, we understand, pero at the same time, upset.”

Naging espesyal daw talaga kay Fabio ang Destiny Rose.

Aniya, “Siyempre, ito yung pinakamagandang opportunity na binigyan ako rito sa GMA.

“At kahit yung story, you really get attached to your character and to the show.

“Siyempre, we’re gonna miss a lot.”

ENDING. Natawa naman si Fabio nang tanungin namin kung sa palagay niya, siya nga ang dapat na makatuluyan ng karakter ni Ken bilang si Destiny Rose.

Aniya, “Well, tingnan natin kung ano ang mangyayari.

“I don’t know, I think Destiny and Gabriele will wind up [together].

“Gabriele will go to Germany to think about his life. Siyempre, ngayong malalaman ko na si Joey dati ay si Destiny Rose.

“Siyempre, medyo nagulat na siya and he’s gonna go to Italy for a few years. Pagbabalik ko rito, he’ll find out kung gusto niya. If he wants to be single.”

WORKING WITH KEN. Kinumusta rin namin kay Fabio si Ken.

Ni minsan ba ay hindi niya ito pinagdududahan?

Paglinaw niya, “No, we’re very professional in the show.

“Of course, a lot of times we’ll make fun na, 'Oh my God, ang galing mo talaga ha!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know, e. I need to ask him mamaya. Ang galing niya talaga.”

Natawang sabi pa ni Fabio, “But as far as I know, lalaki siya.

“If not, I honestly don’t know kasi, even I they asked if lalaki or not because of my role.

“So it’s normal for the viewers to doubt, but for people who know us talaga, especially me, they know I’m a straight guy and I respect different kind of sexual preference.

“But me as Fabio Ide, I’m one thing.

“Me as Gabriele Antonio, yes, I’m in love with a transsexual and I have to show the viewers that I love Destiny Rose.

“Babae siya, e. Hindi ko alam na lalaki siya dati.”

RENEWED RESPECT FOR LGBT COMMUNITY. Naramdaman naman daw ni Fabio na mas napamahal siya sa LGBT community dahil sa Destiny Rose.

Pahayag niya, “I think, yes, when people see me now, grabe, especially the people from the LGBT community.

“Even yung before pa. I always treat them with respect – my manager, everybody around me, especially in the modeling industry.

“Even sa showbiz, lahat—make-up artists, director, I never had a problem with that.

“I always respect them even if they see me, beso-beso, walang problema sa akin.

“E, with the show, when they see me, 'Gabriele, Gabriele!'

“And it’s nice because through this show, we we’re trying to educate people, through this show.”

CELEBRATING V-DAY WITH BIANCA. Sa isang banda, masaya naman si Fabio dahil naging memorable ang unang Valentine’s day nila ng kanyang kasintahan na si Bianca Manalo.

Kuwento ni Fabio, “It was our first Valentine’s day together.

“Super masaya kami especially, buong Valentine’s day itself, we had a job for Front Row, the company that she represents for multi-company for vitamins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, I was serenading for mga babae na nandoon tapos at the end, I serenaded her. Super nagulat na siya, na-surprise na siya. I gave her flowers.

“Pagdating sa house, we got to enjoy a little bit, watch movie.”

Pitong buwan na rin daw ang relasyon nila ni Bianca.

Pahabol pa rito, “Super masaya kami. Step by step but yun nga, super masaya kami.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN