Richard Gutierrez returns for Ang Panday after two-year hiatus: "Ang pagpapahinga ko na yun ay malaking bagay."



Sa Lunes, February 29, pa ang pilot episode ng bangong fantaserye ng VIVA/TV5 na Ang Panday na pinangungunahan ni Richard Gutierrez.

Pero noong Martes ng gabi, sa SM Aura ay nagkaroon ng special screening ang Ang Panday.
 
Sa pagkakataon pa lang din daw na yun unang napanood ni Richard ang Ang Panday at masayang-masaya nga ito sa nakitang resulta ng mga ginawa nila.
 
Ayon kay Richard, “First time kong napanood and I’m very happy, very proud sa na accomplished namin and nakita natin kung gaano kalaki ang production.
 
“I’m very happy na ito ang muling pagbabalik ko sa primetime. I’m very proud of this show.”
 
Kung meron man isang kapansin-pansin, talagang pinagkagastusan ng husto ang comeback niya sa teleserye.
 
“Pinaghandaan,” saad ni Richard.
 
“And I’m very thankful to VIVA, TV5 and, of course, kay Direk Mac Alejandre. You know, maraming beses ng nagawa ang Ang Panday and he knows what he’s doing and I trust him.”
 
Tuloy-tuloy na talaga ang pagbabalik niya sa pag-arte?
 
“Well, let’s see where it takes us but right now, ang buong concentration ko, nasa Ang Panday.”
 
Mahigit dalawang taon din namahinga si Richard sa teleserye.
 
Kaya para rito, “worth it” daw talaga na sa pagbabalik niya ay sa pamamagitan nga ng Ang Panday.
 
“Worth it talaga dahil actually, ang pagpapahinga ko na yun ay malaking bagay sa akin and I feel like handa ako sa kung anuman ang haharapin ko ngayon.
 
“Wala akong regrets,” saad niya.
 
Naging mapili rin siya sa gagawing serye?
 
“Yes,” lahad niya.
 
“And everything has the right time.  Ito ang right time for me and with the right project and parang sakto lang lahat so I’m very happy.”




The leading ladies of Ang Panday: Sam Pinto, Bangs Garcia, and Jasmine Curtis Smith


 
Halos kumpleto ang Gutierrez family na dumating sa special screening. Mula sa mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, mga kapatid na sina Ruffa, Elvis at Raymond Gutierrez, mga pamangkin at ang mag-ina niya na sina Sarah Lahbati at Zion.
 
“Of course, thankful ako sa family ko.  Through the ups and down, lagi silang nandiyan behind me. Talagang sila yung full support sa akin at sila yung motivation ko rin.”
 
Halatang masayang-masaya si Richard na sa pagkakataong ito, napapanood na siya ng anak.
 
Sabi nga niya, “Natatawa kami ni Sarah… kasi, nakikita na niya ang trailer ng Ang Panday for the past few days at palagi niyang sinasabi na gusto niyang mapanood ang Ang Panday.
 
“So kahapon, sinabi ko sa kanya na tomorrow, we’ll watch Ang Panday and very excited siya. Kanina, tutok na tutok siyang nanonood at hindi nagre-react.
 
“Usually, kapag nanonood kami ng sine ni Zion, magalaw, maraming hinahanap o kung minsan, umaalis. Pero kanina, talagang nagustuhan niya.”
 
Tinanong tuloy namin si Richard kung alam na ni Zion ang konsepto na ang mga magulang niya ay artista.
 
Sabi naman ni Richard, “Actually si Zion, ngayon niya lang ako napanood sa TV.  Usually, mga guesting. Pero yung nag-portray ako ng isang character, ngayon niya lang ako napanood kaya feeling ko, naninibago siya.”
 
(View photos: Richard Gutierrez attends Ang Panday event with Sarah Lahbati and son Zion)
 
Marami naman ang naku-curios kung wala raw ba talagang problema kay Richard na ang partner niya na si Sarah nga ay madalas na sexy production number ang ginagawa sa ASAP.
 
O, hindi raw kaya niya ito pinagbawalan?
 
“Hindi naman,” saad ni Richard.
 
“I’m very proud of her actually. She works hard and talagang shinarpen niya ang skills niya sa dancing and she’s very happy sa ASAP so I’m very happy for her.”

Sa parte niya, malaki rin ang pinayat niya at mas bumata pa ang hitsura niya ngayon sa Ang Panday.
 
Sabi naman ni Richard, “Until now I’m still working and I’m continue working and preparing. Matagal ko rin pinaghandaan, few months and all throughout Christmas and New Year, talagang sacrifice ako.
 
“Talagang pinaghandaan ko ‘to, mentally and physically, pinaghandaan ko ang Ang Panday.”
 
Pagkatapos niyang mapanood ang unang episode, ano na ang mga inaasahan niya kapag ipinalabas na nga ang pagbabalik teleserye niya?
 
“Well, naniniwala ako na maganda ang show namin. Naniniwala ako na nagawa namin ng tama kung ano ang gustong ipahiwatig ng Ang Panday at ni Carlo J. Caparas.
 
“So, inaasahan ko na magugustuhan ng tao, hopefully mapanood nila ang first episode at once na mapanood nila ang first episode, feeling ko, hindi na sila bibitaw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN