Carrot Man and newly wed couple Vic Sotto & Pauleen Luna to be featured on KMJS

Kapuso Mo, Jessica Soho will feature Jeyrick Sigmaton a.k.a "Carrot Man" (left frame) and the newly wed couple Vic Sotto and Pauleen Luna.



Ngayong Linggo, February 28, kukumustahin ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang buhay mag-asawa nina Vic at Pauleen Sotto o “BosLeng” sa kanilang ekslusibong panayam kasama si Ms. Jessica Soho.

Ano nga ba ang mga nadiskubre nila sa isa’t-isa ngayong mag-asawa na sila?

Hahamunin din sila ng KMJS sa pamamagitan ng charades kung saan iaarte ni Pauleen ang mga titulo ng mga pelikula ni Vic at huhulaan naman ni Bossing.

Samantala, natagpuan na rin sa wakas ng KMJS ang kinaroroonan ni Jeyrick Sigmaton a.k.a “Carrot Man.” Matatandaang naging viral sa social media ang kaniyang litrato at napansin ang kanyang kaguwapuhan at kakisigan habang subsob sa pag-aani ng carrots sa bukid. Panuorin ang kanyang kwento tungkol sa kanilang pamumuhay sa Mountain Province at ang mayamang kultura ng mga Igorot.

Ayon sa Facebook page ng KMJS, natagpuan nila si Jeyrick nang manggaling ito sa isang malayong bukirin kung saan nag-aani siya ng gulay.

Wala raw signal doon kaya nagulat ang “Carrot Man” nang malaman niya na kumalat na sa Internet ang mga litrato niya.

Titikman din ng KMJS ang mga mas pinasarap pang putahe: nariyan ang Lechichor mula sa Cebu—lechong baboy na pinalamanan ng lechong manok at chorizo; ang Liempo-chon na mabenta sa Las Piñas, ang pinagsamang lechon at liempo na may palamang salsa; at ang cake na imbis na icing at tinapay ang toppings: chips at baked macaroni.

Isang dance showdown din ang mangyayari ngayong Linggo upang malaman kung sino ang hari at reyna ng sayawan. Maglalaban-laban ang grupo nina Luningning kasama ang Bukidnon Dancing Linemen at ni Sexbomb Cheche kasama ang Cebu Dancing Linemen.

Samantala, aalamin ng KMJS ang kuwento ng limang taong gulang na namatay matapos isalang sa exorcism ritual dahil ayon sa mga kamag-anak nito ay nasapian ito ng masamang espiritu.

Kilalanin din si Macky na nagpapa-wow ngayon online dahil sa performance level niyang pagbirit ng awiting “Flashlight.” Alamin ang kwento ng binansagang “Kid Flashlight ng San Pedro.”

At mag-feeling bata muli sa kauna-unahang trampoline at ball pit sa Metro Manila at puntahan ang isang fine dining restaurant na isang eroplano sa Tayabas, Quezon.

Abangan ang lahat ng ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa Linggo, February 28, pagkatapos ng Ismol Family sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN