Ryan Agoncillo recalls Cash Cab PH experience of Judy Ann Santos and their kids



Sa kabila ng pagiging busy bilang asawa ni Judy Ann Santos at bagong tatay sa kanilang pangatlong anak na si Luna, abala rin si Ryan Agoncillo sa kanyang sitcom na Ismol Family at pagiging host ng Eat Bulaga at AXN cable show na Cash Cab Philippines.

Sa recent event ng AXN Philippines sa Eastwood, exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan Agoncillo tungkol sa kanyang show na Cash Cab at iba pa niyang mga proyekto:

Ryan:Cash Cab Philippines is the only cab that pays you. Dito, kapag ikaw ang sumakay ay ikaw pa ang babayaran. Habang nakasakay ka sa Cash Cab na ako ang driver, may mga questions ako na itatanong sa pasahero ko, and in every question na masasagot mo ng tama, you have a cash prize to win, but if you have a wrong answer, it’s considered a strike. If you have 3 strikes, you're automatically out of the cab.

“We’re about to end the first season already, abangan po ninyo dahil 'pag ginawa namin yung second season, abangan niyo yung Cash Cab sa inyong madadaanan, baka ang taxi na mapara niyo ay ang Cash Cab na.”


During the first season, kamusta naman yung experience mo sa mga pasaherong nakakasakay sa Cash Cab?


Ryan: “It is not scripted. It’s random. It’s very memorable kasi alam mo naman yung mga Filipino, galit na galit na trapik, here sa Cash Cab, parang ayaw nilang matapos ang pagkakasakay nila sa Cash Cab, kasi nga naman in every question you answered right, you get to win cash, and of course may konting chikahan, getting to know them.

“Yung mga contestant na sumasakay, I get to fry them a little bit, tungkol sa mga tsismis sa kanilang buhay.”


This is a different kind of hosting: you host a game show and at the same time you drive a cab. How do you balance hosting and driving the cab? Aren't you afraid of getting into an accident?

Ryan: “Di naman! Well, sa tingin ko, yung pagiging driver sa mga anak ko at sa asawa ko ay magandang practice. Kasi kailangang i-entertain ko sila while driving, kailangan lahat ng tanong nila ay masagot ko. Same here sa Cash Cab, but this time ako nagtatanong sa pasahero ko.”


Kapag sakay mo si Juday at ang dalawang anak mong si Lucho at Johan sa sasakyan na ikaw ang driver, ano yung usually ang napapag-usapan niyo during travel? Kamusta ang experience mo kanila nung sila ang sakay mo sa CashCab?

Ryan: “When the kids are around, when the kids are in the car, anything ay napapag-usapan. That time that they boarded Cash Cab, they actually won P9,000 kasi yung mga questions na nasagot nila ay alam nila. I remember one question about One Direction, the other one is about the Super Mario Brothers. Yun yung mga questions na usually, ma-e-encounter nila when they ride with Cash Cab, it’s basically anything, everything under the sun.”


Maiba tayo Ryan, kamusta na si Juday after giving birth to Luna? Kamusta din si Luna?

Ryan: “Judy Ann is doing very well, nagbe-breastfeed siya kay Luna. Si Luna naman, napakalaking bata, napakaganda. Iba yung experience namin ni Juday sa pagpapalaki ng batang babae: kay Luna. Kasi si Johann is 11 years old already, medyo nakalimutan na namin yung experience of having a baby girl na infant. Si Lucho, iba rin yung growing up. Si Luna, as much I can say, is quite demanding sa time, kaya kailangang si Mommy [Juday] ang nakatutok, ako ay tagasuporta lang.”


Marami ang nakakita sa post mo na nakasuot ka ng pambabae sa Instagram? Para saang project yun?

Ryan: “Alam mo naman, makapag-patawa lang sa sitcom naming Ismol Family, lahat ay gagawin namin. Yes! I uploaded that picture in Instagram the morning that we took that episode in Ismol Family.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN