Angelu de Leon jokes about slapping scene with Bobby Andrews: "Makabawi, after all these years."

Angelu de Leon jokes about her favorite scene in Buena Familia where she slapped Bobby Andrews: "Makabawi, after all these years. Charot! Masasampal ko din siya!"


Isa raw sa mga hindi makakalimutang eksena ni Angelu de Leon sa magtatapos nang Kapuso afternoon soap na Buena Familia ay noong sampalin niya si Bobby Andrews na gumaganap naman bilang asawa niyang si Arthur Buena.

“Kasi tinotoo ko!” natatawang sabi ng Kapuso actress.

Biniro namin si Angelu na may angst ba siyang nararamdaman kay Bobby kaya tinotoo niya ang pagsampal dito?

“Oo, makabawi man lang. Charot!” at muling tumawa si Angelu.

“Makabawi, after all these years. Charot!

“Masasampal ko din siya!”

Sumikat nang husto ang love team nina Angelu at Bobby noong '90s.

Ano pa ang hindi niya makakalimutan habang ginagawa nila ang Buena Familia?

“Bukod sa yung mga nahulog ako sa balon, mga ganyan... yung mga stunts ko, yung pagiging action star ko,” sagot ni Angelu.

Siya raw mismo ang gumawa ng mahihirap na stunts, at hindi siya gumamit ng stunt double sa naturang GMA drama series na magtatapos na sa Biyernes, March 4.

Hindi raw siya nagdalawang-isip na gawin ang mga naturang stunts, tulad na lamang ng pagkakahulog niya sa balon.

“Hindi! Para at least maikuwento ko sa mga anak ko, di ba?” patuloy niya.

BONDING. Bukod naman kay Bobby, ang mami-miss raw ni Angelu sa pagtatapos ng show nila ay ang mga anak niyang ginampanan nina Kylie Padilla, Julie Anne San Jose, Julian Trono, at Mona Louise Rey.

Kuwento niya, “Yung mga bata kasi, ngayon nagkaroon kami ng develop-an, na meron kaming mga personal jokes, private jokes.

“Yung mga ganun na parang... nagkakatinginan lang kami, nagkakaintindihan na kami.

“So parang excited ako sa mga mangyayari sa buhay nila, how their lives are gonna turn out after Buena, ano yung mga gagawin nilang…”

Nagmistulang tunay na ina si Angelu sa mga nabanggit na young stars, na kung ano siya noon bilang teen star ay ganun rin ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo! Na, ‘Hoy, alam ko na ‘yan!’”

Ano ang best advise ni Angelu kina Kylie, Julie Anne, Julian, at Mona Louise?

Aniya, “Best advise ko siguro sa kanila is always respect the job.

“Kasi their personal life will always be there. Basta dapat lang maayos, at maayos sila.”

NEXT PROJECT? Hindi pa raw alam ni Angelu ang susunod niyang proyekto pagkatapos ng Buena Familia, na papalitan ng Hanggang Makita Kang Muli sa March 7.

Sa GMA pa rin ba ulit ang next show niya?

Pakli niya, “I don’t know.”

Per project ang kontrata ni Angelu sa Kapuso network.

Bago ang Buena Familia ay ang Niño ang pinakahuling soap opera ni Angelu sa GMA.

Kung siya raw ang tatanungin, sa GMA muli nais ni Angelu na magtrabaho.

“I’ve always been a Kapuso,” nakangiting pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN